‘Utak muna bago lib*g’: May karapatan bang magkaanak ang mahihirap?

'Utak muna bago lib*g': May karapatan bang magkaanak ang mahihirap?

Stock image

SA aminin man natin o hindi, real talk lang – mas maraming nagbubuntis at nag-aanak ang mga mahihirap kesa sa mayayaman dito sa Pilipinas.

Nu’ng minsang mapadaan kami sa isang bahagi ng Maynila ay nakita namin ang napakaraming bata na naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan na walang nagbabantay na magulang.

Naisip namin, hindi ba dapat nasa school ang mga kabataang ito at nag-aaral o di kaya’y nasa kani-kanilang bahay dahil katanghaliang-tapat at napakatindi ng init sa labas? Nasaan ang kanilang mga parents na dapat sana’y nag-aasikaso at nangangalaga sa kanila?

Ay, ang seryoso naman!? Ha-hahahaha! Pero in fairness, may point naman, di ba? Bakit padami nang padami ang mga batang namumuhay sa lansangan? Bakit parang hindi nawawala ang mga kabataang nagtitinda at naglalako ng sampaguita at basahan sa kalye?

Gusto naming i-share sa inyo ang open letter ng isang 22-anyos na female netizen mula sa isang Facebook page kung saan inisa-isa niya ang kanyang concern hinggil sa “national issue” na ito. In fairness, may sense ang kanyang mga hugot.

“Good morning sa lahat. Anong ulam nyo ngayon? Pinakain nyo na ba mga anak nyo? Vitamins naka inom na?

Baka Bet Mo: Aktres hindi type ang leading man sa ginawang pelikula; magkaibang level ang utak

“Medyo ilang days na lumipas mula nung nag trending yan video ng isang girl dito sa app na yan yung linyahan diba? Karamihan sa mga comments kung mababasa mo pinagtatanggol yung babae at yung magulang.

“Kesyo hindi daw kase LAHAT pinapalad sa buhay. Hindi ka pala pinalad sa buhay, BAKIT KA NAG ANAK? AH ALAM KO NA!” ang simulang bahagi ng letter ng anonymous sender.

Patuloy pa niya, “Problema sa bansang to ang hilig gumawa ng excuse para i-justify yung mali noh? Kaya hanggang dito na lang Pinas. Puro flower inoopen pero utak hindi.

“Isipin mo alam mo sa sarili mo na incapable ka bumuhay ng bata pero nag anak ka parin? Isipin mo alam mo sa sarili mo na isang kahig isang tuka ka pero nag-aanak ka parin?

“Tapos ang magsa suffer yung bata? Palalakihin mo sa household na palagi kang galit at irita kasi walang makain. Imbis na paradise at learning experience yung childhood nya, imbis na makaipon sya ng good memories.

“Namulat sya sa household na palaging stressed out nanay dahil di alam saan kukuha ng pang gastos. Kalungkot noh? Pero ang tanong ko? Bakit ka nag anak? Kung hindi mo pala kaya?” ang napakatotoong pahayag pa ng concerned netizen.

May bonggang suggestion din siya para sa lahat ng gustong magkaanak, “Sana magkaron ng lisensya sa bawat bansa bago makapag anak yung isang married couple.

“Para makuha yung ‘license to have a child’ may mga requirements muna like may maayos na bahay, may running water at electricity, may maayos na tulugan, makaka kain yung bata 3-5 times a day, mabibigyan ng quality education, emotionally & financially stable yung mga magulang, masusuotan ng maayos na damit, may retirement plan yung magulang etc. etc… sila lang yung may karapatan mag pamilya.

“Then by the time that they’re finally equipped to conquer the world- they’re free to go. Haharapin nila yung mundo ng may tapang at lakas ng loob kasi walang magulang na aasa sa kanila ng pang kain at gamot.

“Sobrang excited siguro ng mga yan pagka graduate nila kasi hawak nila yung mundo eh kaya nila lahat. Kasi nga yung magulang responsable.

“Hinanda sila sa buhay pero hindi sila inalisan ng karapatan maging bata. Wala pong nakaka proud sa child labor. Pag linisin mo nalang sa loob ng bahay nyo. Pero yung kumita para may pandagdag sa gastusin na dapat responsibilidad mo?” ang sabi pa ni Ate Gurl.

Kasunod nito, mataray at matapang ang tanong ng babaeng netizen, “Ikaw? Matanong lang kita, sa ekonomiya na to at sa pagka mulat mo sa realidad. Kaya mo ba mag anak? Kaya mo ba bumuhay ng bata?

“May karapatan ka ba mag umpisa ng pamilya knowing na minimum lang sahod mo? Utak muna bago lib*g. Kawawa yung bata pag ikaw naging magulang.

“Kakapanganak lang isasabak mo agad sa hirap ng buhay? Tapos excuse mo basta magkakasama? Basta mairaos? Ha??? Magkakasama saan? Sa poverty? Real talk? Real talk,” ang kabuuan ng open letter ni Ate Gurl.

Read more...