NAG-START ang weight loss journey ni Megastar Sharon Cuneta noon pang 2019 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang kinakarir ang pagda-diet.
Nag-share si Ate Shawie ng development tungkol sa ginagawa niyang pagpapapayat at kung gaano katindi ang pinagdaanan niyang challenges para ma-achieve ang kanyang ideal weight.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sharon na ngayong 59 na siya at malapit nang maging senior citizen, mas magiging disiplinado pa raw siya para tuluyang ma-achieve ang kanyang ultimate goal — to stay fit and healthy sa mga darating pang taon.
“I decided to lose weight slowly on my 50th birthday (2016). It’s been 9 years of losing weight, gaining weight again, being happy and inspired, feeling disappointed and frustrated.
Baka Bet Mo: Juday super sexy na dahil sa kakaibang diet: May bewang ako ngayon!
“So, I finally decided to step it up and lose the last several pounds this year.
“Nakakapagod. Nakakaiyak. Nakakagutom. Lahat na yata ng diyeta ginawa ko,” ang simulang pagbabahagi ni Mega.
Patuloy pa niya, “Pero focused na now. Praying tuloy-tuloy na! Please pray for me. Excited na mamili ng mga damit na talagang gusto ko. But most of all, para super healthy na talaga!”
Inamin ni Sharon na ang pagpayat niya ay dahil na rin sa pagbabago sa kanyang eating habits kaya ang advice niya sa lahat, “Please consult your doctor first kung gagawin ninyo ito!
“Malala po at malupit ito pero ilang beses ko na ginawa just to jumpstart my weight loss,” aniya pa.
Saksi raw ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz ang pinagdaanang “extreme dieting habits”, “Yes Tita Charo @charosantos totoo po kuwento ni Beyoncé @jeffreyaromin sa inyo years ago pa dahil buong araw kami magkasama lagi at yan ang kinakain ko sa harap nila! (laughing with tears emojis).”
Para sa “temporary boosting” lang daw kaya niya ginawa ang extreme diets, “Di ko naman binubuo ang 10 days lagi kasi pag sobrang bilis ka mag-lose ng weight magsa-sag ka at magmumukhang tuyot.
“Tapos normalized uli ang kain ko. Tapos gagawin ko diet na prescribed by Doc Aivee @draivee and Doc Z @drzteo based on my body makeup and then normal eating uli ako,” dagdag chika ni Mega.
Sey pa ni Sharon, “Babala: ang normal sa akin ay di normal sa iba! Una, di talaga ako mahilig sa kanin. Bread ang downfall ko!
“So pag ‘normal’ ko na ang kain ko, 1/6 cup lang ng rice (mineasure ng yaya ko!), iwas tinapay, tapos LAHAT kakainin ko – pero lahat tikim lang!
“Nasanay na ako na pag gusto ko ng cake, di ko naman pala kailangan ubusin ang buong slice! Ulam gusto ko (minsan gulay ang ginagawa kong kanin) – tikim lahat at pag busog na, stop na.
“Kahit every two hours ako kumain, puro tikim lang (alam nila Regine @reginevalcasid yan at minsan nung Iconic Tour sabi niya sa akin, ‘Ate pinapanood kita kumain eh tikim tikim ka lang,'” saad pa ng aktres at singer.
Kapag daw lalafang sa labas, “Madami akong oorderin para lahat titikman ko tapos ang umuubos mga kasama ko na! [laughing with tears emojis] Ayan na sinabi ko na lahat.
“Di ako puedeng laging deprived kundi magbibinge ako!” dugtong pa niya.
Payo naman niya sa lahat ng gustong magbawas ng timbang, “Kung gagawin nyo please tanong muna da doctor nyo okay po?
“Konting tiis lang – ivisualize niyo bawat minuto ang itchura niyo pag payat na at isipin niyo di naman mawawala yung pagkain na gusto nyo at kakainin nyo lahat yun pag payat na kayo (yun ang ginagawa ko)!
“Kung kaya ko na pinakamatakaw sa mundo, kaya niyo rin!!! Love you all.
“P.S. If you’re like me (I had a heart condition since 2003. My heart rate was way faster than normal and I have been on maintenance meds since.
“Di ako puede magpalpitate), please do not take any medicine to curb your appetite. Ask your doctor muna and that is the best!” paalala pa ni Sharon.