Magandang relasyon ng Cojuangco sisters puring-puri ni Edu | Bandera

Magandang relasyon ng Cojuangco sisters puring-puri ni Edu

Ervin Santiago - November 18, 2013 - 03:00 AM


Siksik at malamang episode na naman ang napanood ng avid followers ng late-night comedy talk, What’s Up, Doods? ng TV5 last Saturday.

Maraming naaliw sa pagiging natural at straightforward ni Mutya Datul, ang reigning Ms. Supranational, at hindi iilan ang nabighani at humanga sa husay at pagiging game ng sikat na Teng brothers, Jeron at Jeric, kasama ang ama nilang si dating basketball player Alvin Teng.

Winner din ang rare interview na ginawa ng batikang host na si Edu Manzano sa magkakapatid na Cojuangco – Mikee, Mai at China – na malaki talaga ang pagkakaiba sa bawat isa.

Kung si Mikee, sumikat at nakilala bilang equestrienne, si Mai naman, matagumpay nang graphic designer at si China, popular bilang chef.

Member pala si Mikee ng international Olympics committee at malaking karangalan ang hatid niya sa bansa bilang isa sa youngest female members ng male-dominated group.

Si Mai naman, na nakapangasawa ng foreigner, nagtatrabaho para sa ilang top companies sa mundo. Sa ngayon, plano raw niyang mag-diversify at makipag-partner sa isang college friend sa paggawa ng iba’t ibang mobile application.

Isa pa sa goals ni Mai ay ang gawing Pinoy ang mister niya, biro ni Edu.  Si China naman, chef ang kasalukuyang karelasyon at magpi-pitong taon na silang magkasama sa Disyembre.

Nakilala raw niya ang guy sa culinary school at katunayan, naging teacher pa niya ito. Ang normal day para sa kanila? Mag-grocery at ipagluto sa bahay ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Puring-puri ni Edu ang Cojuangco sisters na, aniya, nakita niyang lumaki. Saksi raw si Edu sa magandang relasyon ng magkakapatid na Mikee, Mai at China na, dagdag niya, “one of the closest I’ve ever seen.”

Sey ng magkakapatid, ito ay bunga ng pagiging malapit nila sa isa’t isa, lalo na nu’ng panahong lumalaki sila sa tulong ng istrikto nilang amang si dating Rep. Danding at adventurous na inang si Tingting Cojuangco.

Iba-ibang pagkatao, iba-ibang kalokohan at hilig, pero iisa ang likaw ng bituka. Ganyan dinescribe nina Mikee, Mai at China ang pagiging makakapatid nila.

Sa susunod na linggo, Sabado, 10:30 p.m., abangan kung sino naman ang tsitsikahin, “babalatan” at kikilalanin ni Edu sa isa na namang sumasabog na episode ng kinagigiliwang What’s Up, Doods? ng TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending