HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos itanghal na Most Beautiful Face in the World 2024 ng TC Candler at independent critics.
In fairness, dasurv naman ng isa sa pinakamatagumpay na multimedia youngstar ngayon sa entertainment industry ang bago niyang achievement.
“Full of gratitude, very honored na sa daming magagandang babae, napili ako maging top 1. Wala akong ibang masabi kung hindi thank you,” ang pahayag ni Andrea sa naganap na Star Magic Spotlight presscon nitong Martes, January 21.
“Last year kasi napabilang na rin ako pero I think from what I can remember, top 16 yata, du’n pa lang super happy na ako. Mapabilang lang do’n kahit nasa 50 what like…siyempre such an honor talaga mapili ‘yung face ko ganyan.
Baka Bet Mo: Vice may iniindang karamdaman: Pag-ihi ko biglang nahinto, tapos ang sakit na naiyak ako…
“So nu’ng nalaman ko na parang top 1 ako, ano lang ‘yun, eh, random Tuesday yata ‘yun or something tapos nag-aayos akong buhok, tapos nalaman ko, ‘hala top 1 ako!’” pag-alala pa ni Andrea.
“Tapos tiningnan ko agad sarili ko sa mirror tapos ‘top 1 ka?’ As in talagang tawang-tawa lang ako. Tapos ang una kong… ang tinanong ko talaga, ‘yung mommy ko. Sabi ko ‘Ma, anong feeling? Ikaw ang naglabas sa mundo ng top 1, ganyan.’
“Siyempre masaya kaming lahat. Thankful lang ako pero hindi ko siya siyempre pinapapasok sa ulo ko na top 1 ako. Siyempre ang saya niyang pagbiruan lalo na with my friends kasi the day na nalaman ko parang pupunta ako sa friends ko siyempre puro asaran lang.
“Na parang ‘hmmm, parang hindi naman!’ Pero happy lang talaga ako. Ang saya lang niya. I’m happy but hindi ko siya pinapapasok sa ulo ko na top 1 ako. Kasi ayoko naman na du’n lang nakadepende ‘yung pagkatao ko saka ‘yung lahat ng pinaghirapan ko, ‘di ba?
“Iba pa rin lahat ‘yung bilang artista ako tapos naging top 1 ako. Nakakahiya siyang pag-usapan, grabe! Sobrang nakakahiya,” ang natatawang sey pa ni Andrea.
Ngunit ayon sa dalaga, kahit na hawak niya ngayon ang titulong “most beautiful” sa buong mundo, may mga pagkakataong nakakaramdam din siya ng mga insecurity.
“Hindi naman kunyari maganda ka, iba ‘yung insecurities sa outside mo, and hindi ako perfect, walang perfect.
“May mga days na hindi ako ganu’n ka-pretty, may days na nagbe-break out ako. Like ngayon, meron akong ‘sister’ diyan (itinuro ang tighiyawat sa pisngi). It’s all about perspective, it’s all about your mindset,” chika ni Andrea.
Ipinagdiinan din ng aktres na hindi siya nagpapatalbog sa kanyang insecurities, “Worth it ba na maging insecure ako over this thing, or worth it ba na mag-depend ako sa mood na masisira araw ko? Pero yes, normal lang ma-insecure, normal na may good days and bad days ka.”
Samantala, itinuturing din ngayong youngest celebrity CEO si Andrea matapos ang matagumpay na launching ng sarili niyang makeup brand noong 2023.
“Happy pero may pressure kasi nga youngest. Ang hirap din niya, to be honest, na bagets ako pero CEO ako.
“Kasi alam mo ‘yung gusto mo maging boss pero lahat ng nakakasama ko sa office, mas nakakatanda.
“Kaya kailangan marespeto pa din ako, but I have to stand my ground kapag nagiging boss ako. Pero buti nalang, very blessed ako sa mga nakakapartner ko sa business ko,” pahayag pa niya.