Vice may iniindang karamdaman: Pag-ihi ko biglang nahinto, tapos ang sakit na naiyak ako... Bandera

Vice may iniindang karamdaman: Pag-ihi ko biglang nahinto, tapos ang sakit na naiyak ako…

Ervin Santiago |June 17,2021
share this

Vice may iniindang karamdaman: Pag-ihi ko biglang nahinto, tapos ang sakit na naiyak ako…

Ervin Santiago June 17,2021 - 09:06 AM

INAMIN ni Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda na hindi masyadong okay ang lagay ng kanyang kalusugan ngayon.

Ito rin daw ang isa sa dahilan kung bakit hindi pa siya makapag-decide nang bonggang-bongga kung tatanggapin na ba niya ang hamon na magkaroon ng sariling baby.

Ibinalita ng TV host-comedian sa madlang pipol na totoong may problema na naman siya sa kanyang health at naaapektuhan na kung minsan ang kanyang trabaho.

Sa vlog ng kaibigan at dati niyang talent manager na si Ogie Diaz, diretsahang sinabi ng komedyante na bumalik na naman ang sakit niya sa bato na una niyang napansin niya habang nagte-taping.

Nagpaalam daw siya noon sa production na pupunta lang ng comfort room at habang umiihi nga ay nakaramdam na raw siya ng matinding sakit.

“Pag-ihi ko biglang nahinto. Tapos ang sakit na naiyak ako. Tapos biglang naihi na naman siya. Parang may nakabara,” ani Vice. 

Nang magpatingin na siya sa doktor, doon na niya nalaman na may nabubuo na namang crystals sa kanyang katawan na siyang rason kung bakit nahihirapan na naman siyang na kung minsan ay may kasama pang dugo. 

“Nagtataka nga ako kasi maingat na ako ngayon sa mga kinakain ko, malakas na rin akong uminom ng tubig. Pero sabi ng doktor ko, may mga tao raw talagang ganu’n, mga ‘stone former’ kaya kailangang magpa-checkup nang madalas,” pahayag ni Vice.

Talagang natakot daw siya nang malaman ang kundisyon ngayon ng kanyang kalusugan dahil ayaw na niyang maranasan uli ang magkasakit sa bato. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang naggagamot.

“So physically I’m not okay na naman. Tapos ‘yung takot na naku ayoko nang magkaroon ng sakit ulit sa bato kasi sobrang sakit nu’n. Excruciating ‘yung pain,” pahayag pa ni Vice. 

“Tinatapangan ko pero may mga times na ‘di ko na kaya. Kahit sa ‘Showtime,’ sinasabi ko, ‘di ko na kaya, patulong sa mga co-host,” dagdag pa niyang paliwanag.

Isa rin daw yan sa mga dahilan kung bakit hindi pa niya naiisip na magkaroon ng sariling baby kahit na kinukulit na siya ni Ogie pati ng ng kanyang nanay.

“Paano ko siya haharapin ngayon? I need to be okay. I need to make myself okay before I become a parent. Paano ka magiging parent kung sobrang busy ko. Si Ion nga ‘di ko na nakakausap,” aniya pa.

Kung matatandaan, sinabi na noon ni Vice na gusto na rin ng kanyang inang si Nanay Rosario na magkaroon sa kanya ng apo.

Sa isang vlog ni Vice, tinanong siya ng ina kung sino ang magmamana ng kanyang mga ari-arian, “Kanino mapupunta ito? Kami nama’y patanda na. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. 

“Pero iba talaga, anak, ‘yung may sarili ka. Kaya nga nung si Joel Cruz, nung nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay naku sana si Tutoy ganito rin. Ang ku-cute ng mga anak,” sabi pa ni Nanay Rosario.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending