Rufa Mae: Mahirap yung masyado kang mabait, pinagtitripan ka na lang

Rufa Mae: Mahirap yung masyado kang mabait, pinagtitripan ka na lang

Rufa Mae Quinto

HINDI pala nakumpleto ng isang beauty clinic ang pagbabayad sa talent fee ni Rufa Mae Quinto bilang isa sa kanilang mga celebrity endorser.

Ito ang ni-reveal ng komedyana nang mapag-usapan ang tungkol sa kinasasangkutan niyang kaso matapos madamay sa mga reklamo laban sa kumpanyang Dermacare na may kaugnayan sa umano’y investment scam.

Bukod sa hindi na siya nabayaran ay tumalbog pa ang mga tsekeng inisyu sa kanya ng kumpanya.

Ayon kay Rufa Mae, naawa pa raw siya noong una sa naturang kumpanya nang malaman niyang nalulugi na ito at hindi na raw makakabayad sa kanya.

Baka Bet Mo: Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English pag nasa US; inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos

“Pinilit nilang magbayad. Tapos sabi nila, hindi na nila kaya. Hindi ko na rin pinilit na ihulog ‘yung mga tseke,” ang pahayag ng aktres sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, January 17.

Patuloy pa niya, “Kasi akala ko nga mabait, eh. So parang sabi ko pa nga, ‘Kawawa naman. O basta good luck sa inyo.’ Pinasabi ko lang, ‘di naman ako ‘yung kausap sa manager ko. Sabi ko, ‘Ay, ganu’n ba? Okay na rin.’


“Kasi nga hindi, laging talbog nga eh, ‘di ba? So parang obvious naman na walang wala na rin silang pambayad. Ewan ko kung manloloko talaga o walang pambayad,” pagbabahagi pa ni Rufa Mae.

Sey pa ng aktres na pansamantalang nakalalaya ngayon matapos magpiyansa ng P1.7 million para sa kasong 14 counts ng paglabag umano sa Section 8 of Securities Regulation Code, nakaramdam pa siya ng awa sa Dermacare.

“Naawa pa ako. Sabi ko, kawawa naman, baka na-swindle. ‘Yun pala sila na ‘yung nagsu-swindle. ‘Di ba?

“Kaya dapat ang hanapin ‘yung may-ari. Minsan, mahirap masyadong mabait. Kasi parang, pagtitripan ka na lang,” sey pa ni Rufa Mae.

Samantala, muling ipinagdiinan ng komedyana na wala siyang kinalaman sa naturang kumpanya. Nag-photoshoot at video lang daw siya noon bilang endorser.

“Tapos sila na rin nagsabi na sorry na daw, hindi na nga raw tuloy kasi nga, hindi na rin gagamitin ang mga materials ko. Photoshoot, video, lahat. Kasi wala na raw, may problema na sila,” aniya.

Matatandaang nasa Amerika si Rufa Mae nang mag-isyu ng warrant of arrest ang korte base sa kasong isinampa ng mga taong nag-invest sa kumpanya.

Nang umuwi siya sa Pilipinas, boluntaryo siyang sumuko sa National Bureau of Investigation. Nabanggit din ng komedyana na hindi siya kinasuhan ng large-scale estafa tulad ng naunang nabalita.

Read more...