MASAYANG ibinalita ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang pagbuti ng health condition ng kanyang wifey na si Maiqui Pineda.
Kakauwi lamang ng mag-asawa sa Pilipinas mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa Japan para sa kanilang honeymoon kasabay na rin ng selebrasyon ng kanilang first wedding anniversary.
Nakachikahan ng BANDERA si Robi last Thursday, January 16, sa naganap na presscon ng bago niyang show sa ABS-CBN, ang reality dance competition na “Time To Dance” kung saan makakasama niya ang New Gen Dance Gem na si Gela Atayde bilang hosts.
Dito nga naikuwento ni Robi na kababalik lang nila sa bansa ni Maiqui galing Japan, “Kasi last year, naudlot po yung honeymoon. Kasi, right after the wedding, ang dami-daming personal stuff na nangyari.
Baka Bet Mo: Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’
“Including the passing of my lola, and biglang nagkaroon ng program. So, kailangang dire-diretso ang trabaho, and I’m really grateful for that,” kuwento ng TV host na ang tinutukoy ay ang pagkamatay ng kanyang lola sa araw mismo ng kanyang kasal.
“And I’m also grateful sa opportunity na nagkaroon kami ng time to go to Japan. Initially this was suppsed to be in Europe.
“But we told each other, let’s go to somewhere na familiar kami, and that’s Japan. So we spent nine days there.
“Doon muna kami sa Sapporo, sa Hokkaido. Kasi parang for the past years, nagdo-documentary ako du’n. So, something familiar sa akin.
“And then we went back to Tokyo where I proposed. So, dumaan na naman kami sa Shibuya Crossing. Memorable, memorable trip!
“And hanggang ngayon, yun ang pinag-uusapan namin. Yung utak ko, nandu’n pa rin sa Japan. Wala pa, wala pa siyang visa makauwi, e. So nandu’n pa rin, nandu’n pa rin,” aniya pa.
Kinumusta rin namin kay Robi ang kundisyon ngayon ng kanyang misis, “Maiqui is okay na rin, she’s well. And I’m so happy kasi we went to DisneySea the other day.
“Sabi niya, ‘Robs, guess how many steps we did for today.’ Background lang, this is coming from Maiqui na hindi makatayo, hindi makaupo.
“Average, we would do 12,000 steps. But the other day, naging 25,000 steps. And she did it. Sabi ko, ‘Wow!’ She’s really improved a lot,” sey ng TV host.
Nasa last dosage na rin daw si Maiqui ng kanyang medicine para sa kanyang health condition, ang “rare form of an autoimmune disease called dermatomyositis.”
Super busy pa rin si Robi sa pagtatrabaho pero sa kabila nito, nagagampanan pa rin niya ang pagiging husband kay Maiqui.
“Even right now, the fact na hinahawakan ko pa rin yung (wedding) ring kahit anong mangyari. Parang ano, e, lahat ng gawin ko ngayon, it’s always for us. So yun, yun ang masasabi kong doing my part as a husband.
“And also when I go home, wala po kaming househelp. So, ever since na nagpakasal po kami, kaming dalawa lang.
“And mas napagtibay ang relationship namin. First few months of the relationship, of the marriage, akala ko, di ba, usually people would say, ‘Ay! I-enjoy n’yo yan, trips kayo palagi!’
“Yung trips namin, sa hospital. Especially during the first months of her recovery, and I’m so grateful for it. Kasi, ang dami kong natutunan sa sarili ko, sa kanya, at sa aming dalawa.
Samantala, magsisimula na sa January 18, Saturday, 8:30 p.m. ang dance survival reality show na “Time to Dance” nina Robi at Gela sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC.
Kasama rin sa show sina AC Bonifacio at Darren Espanto, at dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches. Ang theme song naman ng “Time to Dance” ay inawit nina Kyle Echarri at Gela.
Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang magagaling na coach mula sa Philippine dance community.
Ang mga mananayaw ay may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at one-on-one dance combats.