SINAGOT ng seasoned comedian at TV host na si Janno Gibbs ang naging hugot ni Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa pagpapalabas daw ng VMX (Vivamax) ng mga pornographic materials.
Bukod dito, pinansin din ng senador ang umano’y pang-e-exploit sa mga VMX stars hindi lamang sa paggawa ng mga sex contents online kundi maging ang kanilang talent fee.
Ilang Vivamax actress at actors na ang nagtanggol sa VMX at sa Viva Artists Agency (VAA) hinggil sa mga naging pahayag ni Sen. Jinggoy kung saan mariin nilang itinanggi ang umano’y isyu ng exploitation.
Sa presscon ng unang gag show ng VMX, ang “Wow Mani”, nagsalita ang lead star nitong si Janno Gibbs tungkol sa mga akusasyon Sen. Jinggoy na inihayag nito sa kanyang privilege speech sa Senate last December.
Baka Bet Mo: Vivamax actor Karl Aquino naranasang masilipan, di alam kung girl o beki
Ayon kay Janno, isang private platform ang VMX at “accessible” lamang sa mga adults, “Senator Jinggoy is doing his job, he is doing it very well. He has all the right sa opinions.
“Ako personally, opinion ko VMX is not a public viewing venue. It is a private venue. Magbabayad ka. ‘Di public eh. Naka-childlock eh, you need a card,” he said during the press conference of “Wow Mani,” pahayag ni Janno.
Patuloy pa niyang paliwanag, “There is nothing on VMX you cannot see on Netflix. Se-censor din ba nila? Sometimes more sa Netflix.”
“VMX has given these girls what they don’t get in other field, mainstreams. For a lot of them, this is a great stepping stone dami binibigay na trabaho ng VMX.
“Most of the movies are directed and written by well regarded directors and writers…quality-wise maganda siya,” esplika pa niya.
Samantala, maghanda nang tumawa nang bonggang-bongga dahil narito na ang “Wow Mani” mula sa VMX — ang ultimate sexy gag show na puno ng maiinit na skits, mapangahas na humor at tawanan na tiyak na magpapainit sa inyong kalamnan.
May 12 episodes nang nakalatag sa unang season nito, kaya’t siguradong hindi ka mauubusan ng rason para tumawa. Mapapanood ang mga bagong episode every other Tuesday. Ang laugh fest mula rito ay garantisadong magbibigay ng sexy dose of fun sa iyong linggo.
Pinangungunahan ito ni Janno Gibbs, ang multi-talented singer-comedian na kilala sa kanyang signature wit at humor. May dalawang nakakatuwang karakter na gagampanan si Janno: si Injanno Jones, isang adventurous na explorer, at si Janno Depp, isang quiz master.
Narito ang mga pasabog na segments ng ” Wow Mani”:
1. Battle of the Braless: Isang nakakatawang laban kasama ang mga kaakit-akit ngunit clueless na university students na nagpapatunay na pwedeng mabiyayaan ng parehong talino at ganda… minsan.
2. Injanno Jones: Mapapanood dito ang adventure at kalokohan ng isang self-proclaimed genius at explorer.
3. Tricky Girl: Isang sexy host ang maghahatid ng tricky na mga tanong sa kalsada, na tiyak magdadala ng maraming tawa at awkward moments.
4. Tirsong Tuso Sketch: Sundan ang mga gagawing delikado pero nakakatawang desisyon ng isang sugarol na palaging may twist sa bawat taya.
5. Steam Bath Gag: Dala ng half-naked beauties ang isang riot na tawanan mula sa kanilang maiinit na banter.
Kasama ni Janno sa “Wow Mani” ang mga VMX sexy stars at hunks na siguradong magdadagdag ng init sa bawat skit: Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole, Nicco Locco, at Aerol Carmelo.
Nag-premiere na ang “Wow Mani” noong January 7 at mapapanood ito nang eksklusibo sa VMX. Huwag palampasin ang mapangahas at walang takot na gag show na ito na magbibigay ng bagong kahulugan sa sexy comedy. Tumutok na every other Tuesday para sa bagong episode—dahil sa “Wow Mani”, mainit na katatawanan ang tiyak na makukuha mo.