Richard kay Barbie: Wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah

Richard kay Barbie: Wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MARIING pinabulaanan ng Kapamilya star na si Richard Gutierrez na si Barbie Imperial ang dahilan ng pagkawasak ng relasyon nila ni Sarah Lahbati.

Ayon kay Richard walang kinalaman at all ang aktres sa paghihiwalay nila ng kanyang estranged wife, tulad ng napapabalita.

Maraming beses nang spotted sa iba’t ibang lugar sina Richard at Barbie hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Italy at South Korea pero never pa silang nagsasalita kung totoong meron nang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Richard tungkol sa umano’y relasyon nila ni Barbie sa pamamagitan ng YouTube vlog ng talent manager at TV host na si Ogie Diaz.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Barbie Imperial: Ang bilis kong ma-in love…ang dami kong bubog sa buhay

Pahayag ni Richard, “Siguro for now, like gaya nga ng sabi mo, nakikita naman ng mga tao. Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie.”

“Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah.

“Hindi siya third party, hindi nag-overlap. Kasi maraming mga tao, yun nga, mga bashers na nagsasabi na siya ang dahilan. Wala siyang kinalaman,” ang pagbabahagi ng aktor.


Patuloy pa niya, “Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah. So, yun, gusto ko lang i-clarify.

“Siyempre kasi parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming mga nag-hate comment sa kanya. So siyempre, kailangan ko siyang protektahan. Kailangan ko rin i-clarify yun, di ba?” aniya pa.

Dagdag pang paglilinaw ni Chard, “Siguro yung tungkol sa amin ni Sarah, ayoko na rin pag-usapan, yung mga nangyaring detalye.

“Kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward.

“Actually, at this point, nakapag-move forward na yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami.

“And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life.

“And of course, kung happy siya sa buhay niya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata yun. At ang importante sa amin ay yung mga bata.

“So, kung ano man yung dahilan, matagal na panahon na yun, nakapag-move on na kami pareho, 2025 na.

“Gusto kong magsimula yung taon nang maganda, peaceful, at happy. So, yun, let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward,” dire-diretsong pahayag ni Richard Gutierrez.

Read more...