Sekyu na nagtaboy sa batang nagtitinda ng sampaguita sa mall tsugi sa trabaho

Sekyu na nagtaboy sa batang nagtitinda ng sampaguita sa mall tsugi sa trabaho

VIRAL na ngayon ang video ng isang batang nagbebenta ng sampaguita na pinalalayas ng security guard sa isang malaking shopping mall sa Mandaluyong City.

Maraming nagalit na netizens sa ginawang pananakit at pagpapaalis ng sekyu sa babaeng bata na nakasuot pa ng school uniform habang bitbit ang binebenta niyang sampaguita.

Kitang-kita sa naturang video ang pagiging bayolente ng security guard sa pagpapaalis sa batang estudyante na nakaupo sa hagdan sa labas ng SM Megamall.

Hinablot pa ng sekyu ang mga sampaguitang hawak ng bata kaya natanggal ang mga bulaklak mula sa pagkakatali nito.

Baka Bet Mo: Jake ‘ikinulong’ sa Mandaluyong City Jail: Kailangang patigasin ko uli…

Kasunod nito, hinampas ng estudyante ang security guard ng natitirang sampaguita sa kanyang kamay pero ginantihan siya ng lalaki at sinipa nga ang bata, base pa rin sa napanood naming viral video.

Lahat ng nabasa naming komento sa social media ay nagpahiwatig ng galit sa security guard at nagsabing dapat daw itong parusahan at tanggalin agad sa trabaho.

“Puwede naman sabihin ng mahinahon sir bat ganun po inasal mo sa bata.”

“Pwedeng kausapin naman, grabe naman si kuya.”

“Maling-mali ginawa sir SG. Sinipa niya pa menor de edad.”

“Kailangan ba patulan ang bata pwede naman kausapin ng maayos?”

“Hindi tama ‘yan. Kahit paano ko tingnan, mali ang ginawa ng guard.”

“Kung paalisin ‘wag naman sana sa ganiyang paraan.”

Nag-isyu na ng official statement ngayong araw, January 16 ang pamunuan ng SM Megamall kung saan kinumpirma ng shopping mall ang pagsibak sa security guard.

“We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation.

“The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.

“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her.”

Read more...