Jodi hirap mag-‘NO’ sa pamilya, trabaho: ‘Feeling ko I’m letting people down’

Jodi hirap mag-‘NO’ sa pamilya, trabaho: ‘Feeling ko I’m letting people down’

PHOTO: Instagram/@jodistamaria

SINO sa inyo ang hirap magsabi ng “no” o tumanggi sa isang bagay?

Nako, relate na relate diyan ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria na nagpa-survey pa sa kanyang X account.

Ang naging tanong niya sa online poll ay, “What is the hardest boundary to set?”

Ang may pinakamaraming sagot ay ang: “Saying NO to family.”

Sumunod diyan ang “digital detox,” at ang pinili naman ng iba ay ‘yung “taking time for yourself,” at “ignoring work after hours.”

Baka Bet Mo: Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng ‘boundaries’: We’re human beings

Sa hiwalay na post, inamin ni Jodi na kahit siya ay nahihirapang huminde hindi lang sa pamilya, kundi kahit sa trabaho.

“Thank you for your replies. Totoo noh? I struggled with that too, and sometimes until now, ‘yung saying NO not only sa family ko but even sa workplace,” sey niya.

Paliwanag pa niya, “Kasi I felt guilty. Feeling ko I am letting people down. But boundary-setting is a skill. Makakasanayan din in time.”

Gayunpaman, iginiit ng aktres na ang pagkakaroon ng boundaries ay pagpapakita ng “self-love.”

“I just want to say na valid ang lahat mga feelings ninyo. Setting boundaries is an act of self-care and self-love,” wika niya.

Pahayag pa ng batikang aktres, “It is also sending a message of how you want to be treated by those around you; it is necessary for your well-being, and this is all grounded in mutual respect.”

Kasalukuyang pinagbibidahan ni Jodi ang revenge series na “Lavender Fields,” kasama sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

Kamakailan lang, inanunsyo ng batikang aktres na plano niyang magpahinga muna sa acting career upang i-pursue ang kanyang pag-aaral kung saan kukuha siya ng master’s program in clinical psychology this year.

Read more...