KERIBELS pa rin ni Bossing Vic Sotto na sundan ang bunsong anak nila ni Pauline Luna na si Baby Mochi na turning 1 year old na ngayong January.
Hangga’t kaya pa raw ay walang problema sa TV and movie icon na dagdagan pa ang dalawang anak nila ng kanyang pinakamamahal na wifey na si Poleng.
Ang dapat daw tanungin ay si Pauleen mismo kung kakayanin pa nito ang magdalang-tao uli para sa kanilang 3rd baby.
“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen. Ako, kaya pa, eh. Ewan ko sa kanya, tanungin n’yo,” ang natatawang chika ni Bossing sa mediacon para sa latest endorsement niya, ang Sante Barley.
Baka Bet Mo: Pauleen isinilang na ang 2nd baby nila ni Vic, tinawag nilang Mochi Girl
How time flies nga raw dahil mag-iisang taon na ang kanilang bunso ngayong buwan at marami na raw paandar ang bagets.
“Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na ng mag-isa niya, pero mga 2 seconds lang, bagsak ulit,” sey ni Bossing.
Para sa komedyante, welcome na welcome raw kapag biniyayaan pa sila ni Lord ng baby number 3 pero kung hindi naman, okay na siya sa dalawang anak.
Sa tanong kung nangangarap ba siyang magkaroon ng baby boy, “Okay na, ang dami kong apong lalaki, ang gugulo. Anak ni Oyo, 5 lalaki. Tapos si Danica, may 2 lalaki.
“Kapag nasa bahay, parang may riot parati sa bahay namin, kapag nandu’n ‘yung mga apo kong lalaki.
“Okay na sa akin ang mga babae, they’re very sweet, they’re very malambing. I always look forward to going home kasi tanggal lahat ang pagod ko sa trabaho kapag nakita mo na ‘yung mga anak mong mababait,” pagbabahagi pa ni Vic.
Nauna rito, sinagot din ni Bossing ang tanong kung paano niya napapanatili hanggang hanggang ngayon ang kanyang “staying power” sa entertainment industry pati na ang “positive image” sa publiko.
“Clean living lang. Huwag kang umapak ng ibang tao. Huwag kang mang-alila. Huwag kang maangas.
“Stay humble. Humility, for me, is a very important word. Huwag kang magyayabang. Relax ka lang sa buhay,” sagot ng komedyante.
Hangga’t maaari ay umiiwas na rin siya sa mga tao at bagay na makakapagpa-stress lang sa kanya. Pero may mga pagkakataon din daw na talagang makakaranas ka ng kanegahan.
“Basta trust in God. With God on your side, wala ang mga stress na ‘yan. Kayang-kaya. Hindi ko pinapansin ‘yan. Kung ano man ang pagsubok, basta you trust God, tanggal lahat,” ani Bossing.
“I’m very thankful na I have my family supporting me, my friends, friends from the business. I’m very thankful. Maraming salamat sa kanila, sa lahat ng tao.
“Hindi naman puwedeng hindi ka maapektuhan pero kumbaga ipagpasa-Diyos mo na lang at wala na ‘yun,” mariin pa niyang sabi.