Miguel, Kokoy emosyonal sa pagsisimula ng ‘Mga Batang Riles’ sa GMA

Miguel, Kokoy emosyonal sa pagsisimula ng 'Mga Batang Riles'

Miguel Tanfelix at Kokoy de Santos kasama ang iba pang cast members ng ‘Mga Batang Riles’

MAPAPANOOD na ang “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhryia, at Antonio Vinzon sa bago nitong oras na 8:50 p.m. sa GMA Prime simula January 20.

Ikinatuwa naman ito viewers ng aksyon serye dahil ito raw ang pak na pak na oras para masubaybayan nila gabi-gabi ang programa.

Komento ng isang viewer, “Ayun nice. Na move ng oras sakto ganyan time uupo na lang ako at manood.”

“Sakto nga at nakauwi na galing sa trabaho. Talaga namang nagpabilib din agad sa halos dalawang linggo nito sa ere,” sabi ng isang netizen.

Kumento pa ng isang fan, “MBR is my new favorite series. Refreshing at ang ganda ng visuals. Ang gagaling ng cast. Tsaka parang totoo talaga sya. Yung mga eksena, parang hindi sila umaarte. Natural na natural lalo na sina Kidlat at Dagul.”

Baka Bet Mo: Miguel bida sa Mga Batang Riles; AOS lalaban sa ContentAsia Awards 2024

Kaabang-abang talaga ang mga susunod pang eksena sa “MBR” , kaya watch na gabi-gabi mga Kapuso.

Samantala, marami naman ang nagulat sa pilot week story ng “Mga Batang Riles”.

Mula sa mga iyakan scenes nina Miguel (Kidlat) at Diana Zubiri (Maying) na gumaganap bilang nanay niya, ay talaga namang aktingan to the highest level.


Sabi ng isang tumututok sa serye nina Miguel, “Galing ng batuhan ng linya, switching between comedy and drama multiple times.”

Nagpamalas din ng saya at katatawanan ang mga karakter ng content creators na sina Spencer Serafica (Lulu) at Jomar Yee (Lala) na talaga namang pinag-uusapan online.

Tinutukan din nina Miguel at Kokoy ang “Mga Batang Riles” world premiere sa kanilang set, na sobrang proud sa kanilang serye.

“Kamuntikan na ako maiyak pagkatapos kasi sobrang kinakabahan ako, na-excite ako kung anong magiging hitsura nu’ng pinaghirapan namin na siguro kalahati ng taon last year.

“And noong nakita ko na sobrang ganda, ang sarap sa pakiramdam. Alam mong may puso ‘yung ginagawa niyo,” ani Miguel.

Nadala rin si Kokoy sa panonood kaya halos malimutan niyang bahagi pala siya ng cast.

“Usually ganoon ako, eh. ‘Ay oo nga pala nandito nga rin pala kami sa ganoon,’ kasi nag-engage ako nang matindi, kasi nga ang bigat, may ganu’n kaagad, and at the same time, happy ako na pilot pa lang in-established na kaagad ‘yung characters,” pahayag ni Kokoy.

Read more...