Sharon, Kiko madalas magtalo dahil sa politika, ilang beses muntik maghiwalay

Sharon, Kiko madalas magtalo dahil sa politika, ilang beses muntik maghiwalay

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

POLITIKA. ‘Yan daw ang madalas na pagtalunan ni Megastar Sharon Cuneta at kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan sa loob ng 28 years bilang mag-asawa.

Sa katunayan nga raw, dahil diyan ay ilang beses na silang muntikang maghiwalay.

Ang pag-amin na ‘yan ay ibinahagi mismo ni Sharon sa YouTube vlog ng batikang broadcaster na si Karen Davila kamakailan lang.

28 years nang kasal sina Sharon at Kiko kaya talagang maraming pagsubok na rin silang hinarap bilang mag-asawa.

Ayon sa batikang singer, kahit matagal na ang pinagsamahan nila ng mister ay himala raw na lalo pang nag-iinit ang kanilang pagmamahalan para sa isa’t-isa.

Baka Bet Mo: Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

“I just woke up one morning and felt like, ‘Nasaan si Kiko?’ Like suddenly parang in love na in love na in love ako,” sey ni Megastar na hanggang ngayon ay ganyan pa rin daw ang pakiramdam niya.

Chika pa ni Sharon, “Over the years, mga nakailang beses na rin kaming muntikan. Siguro pag na-aaffect kami ng mga outside na distractions — ng trabaho, tsaka ayaw na ayaw ko ng pulitika.”

Kwento rin ng singer, “Naiinis ako nung una kasi akala ko show biz was intrusive na, pero mas intrusive ang pulitika.”

“Parang ang nangyayari, ako pa-wind down na, tapos siya parang pagulo na naman. So nagkakaroon kami ng clashes at conflicts, but never kaming sumuko at never kaming tumigil ng pagdarasal,” pagbubunyag ng misis ng senador.

Kahit magkaiba ang kanilang mundo, iginiit ni Sharon na ang nakakatulong sa kanilang magandang relasyon ay ang pagkakaroon ng “respeto” sa isa’t-isa.

Hirit ni Kiko sa panayam, “Ako simple lang—ginagawa niya ‘yung gusto niya at ginagawa ko ‘yung gusto niya… Ang last word ko is ‘Yes, dear’.”

“Siya ang ibig sabihin ng buhay ko. Walang saysay ang buhay ko kung wala siya,” ang nakakakilig na sinambit ng mister ng singer.


Ang married couple ay mayroong tatlong anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

May isa pang anak si Sharon na si KC Concepcion mula sa dating mister na si Gabby Concepcion.

Read more...