PINANGARAP pala ng aktres at OPM artist na si Geneva Cruz ang maging madre noong kanyang kabataan.
Ito ang naging rebelasyon ni Geneva sa naganap na presscon para sa upcoming movie niyang “Nasaan si Hesus: The Musicale” kasama sina Jeffrey Hidalgo, Rachel Alejandro, Marissa Sanchez at Janno Gibbs.
Mga 10 or 11 years old daw siya nu’ng maisip niya na gusto niyang pumasok sa kumbento para magmadre at maglingkod sa Diyos.
Palagi raw kasi siyang nagsisimba noon kasama ang kanyang lola with matching belo pa kaya feel na feel daw niya ang pagdarasal at pag-attend sa misa tuwing linggo.
Pero bigla raw nagbago ang kagustuhan niyang maging madre noong maging teenager na at nang pasukin na niya ang entertainment industry.
Baka Bet Mo: Ogie: Mahal na mahal kita Regine… sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko!
Hanggang sa maging miyembro na nga siya ng iconic OPM group na Smokey Mountain. Nagkaroon din daw siya ng mga crush that time kaya nasabi niya sa sarili na hindi para sa kanya ang pagmamadre.
Then came Paco Arespacochaga nga sa kanyang life hanggang sa biyayaan nga sila ng isang anak, ang binata na ngayong si Heaven Arespacochaga.
Kaya naman dream come true para kay Geneva ang pagganap na madre sa musical at advocacy film na “Nasaan Si Hesus” mula sa Balin Remujus, Inc. at Great Media Productions.
Ito’y mula sa panulat ng yumaong manunulat na si Nestor Torre with music and lyrics ni Lourdes Bing Pimentel at sa direksyon ni Dennis Marasigan.
Sey ni Geneva, talagang hiniling daw niya kina Direk Dennis na sa kanya ibigay ang role ng madre dahil, “Sa movie na ito natuloy ang pangarap kong maging madre.”
Tinanggap din niya ang proyekto dahil napakaganda ng istorya nito at talagang kapupulutan ng aral bukod pa sa mga kaibigan pa niya sa industriya ang makakasama niya.
Ayon naman sa producer na si Mrs. Pimentel na siya ring nagsulat ng mga original songs sa movie, matagal na raw ang musical play na ito pero hindi matuluy-tuloy ang pagsasalin nito sa pelikula.
Pero naniwala siya na basta mabuti ang ginagawa mo at wala kang inaapakan o inaagrabyadong kapwa, darating at darating ang blessings para matupad ang iyong mga pangarap.
“Our purpose in making this film is to disseminate information and inspiration. This film is a form of offering of praise, thanksgiving, and petition.
“Salvation is near if we open our hearts and listen. We wanted to show everybody that God is always here,” paalala pa niya.