PINAGPIYESTAHAN na naman ng mga fans at netizens ang hubad na katawan ng Kapuso hunk actor na si David Licauco.
Pinagtripan at pinanggigilan na naman ng mga girls and gays ang hunky body ng Pambansang Ginoo habang enjoy na enjoy na naliligo sa isang talon.
Kitang-kita kasi sa mga litrato at video na kumalat sa social media ang hubad na katawan David kung saan nagmumura ang kanyang mga “pandesal”.
Base sa mga nabasa naming komento ng mga netizens, marami ang gustong lumusong sa talon para landiin at makipagharutan kay David.
Baka Bet Mo: Beauty Gonzalez type ‘sisirin’ si Alden Richards: ‘I want to get the beast out of him!’
May mga nagsabi rin na gusto nilang sisirin ang aktor sa ilalim ng tubig. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga fans.
“Nandiyan na nanginginig pa hahaha.”
“Wer na u, dito na me.”
“Papunta na ko beeeehhh.”
“Nyarap Nyarap!”
“Ginoo at bakit wala kang saplot sa katawan? Mahigpit na pinag babawal Yan lalo nat wala pa ako dyan”
“Ay bat di mo sinabing magpipicture pala nakasisid pako jan sa baba e.”
“Ang sarap mo sisirin baby koooo.”
“May klase pa Ako wait ka lang diyan”
“K, ready na sumisid babe.”
Nauna rito, super react na may halong kalandian at kabastusan din ang mga fans nang bumulaga sa kanila ang isa pang picture ng binata sa kanyang Facebook account.
Dito makikita ang leading man ni Barbie Forteza sa nagtapos nang Kapuso series na “Pulang Araw” na nakasuot ng basketball uniform at hawak-hawak ang bola ng basketball.
Kanya-kanyang interpretation ang mga netizen sa litrato ni David na ang kuha ay mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan kaya tanaw na tanaw din ang maiilaw na building sa kanyang paligid at ang madilim na kalangitan.
Base sa mga nabasa naming comments, kilig na kilig at gigil na gigil sila sa kakisigan, kagwapuhan at kakyutan ni David habang hawak ang bola ng basketball.