Allen, Sofia nag-aminan ng feelings sa presscon ng ‘Prinsesa Ng City Jail’

Allen, Sofia nag-aminan ng feelings sa presscon ng 'Prinsesa Ng City Jail'

Allen Ansay at Sofia Pablo

HARAP-HARAPANG ibinandera sa showbiz press ng Kapuso young actor na si Allen Ansay ang kanyang pagmamahal sa kanyang ka-loveteam na si Sofia Pablo.

Nangyari ito sa grand mediacon ng latest project nila sa GMA na “Prinsesa ng City Jail” nitong nagdaang Martes, January 7, kung saan natanong sila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Natanong si Allen kung matatawag na ba niya ngayong “prinsesa” ng kanyang buhay si Sofia after ng ilang taon nilang pagsasama bilang magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Sofia Pablo kinarir ang pagiging ‘chef’ sa ‘Luv Is’: ‘Hindi ako marunong magluto kahit hotdog, kasi takot ako sa oil!’

Diretsong sagot ng binata, “Parang hindi na po kailangang tanungin ‘yon. Siyempre po, 100%, siya lang talaga.

Sundot na tanong kay Allen, kung “in a relationship” na ba sila ni Sofia, “Hindi pa po, pero alam niyang gusto ko siya!”

Reaksyon naman ni Sofia sa mga naging pahayag ni Allen kasabay ng hiyawan ng kanilang co-stars sa “Prinsesa ng City Jail”, “Ha-hahaha! Bakit ang daming nagri-react?

“Pero siyempre po, nakakakilig! Alam niyo po yung ang sarap sa puso na…wow! Ha-hahaha! Easy lang. Ha-hahaha! Putok na putok ang kilig ko ngayon.

“Pero siyempre, masaya at ang sarap sa pakiramdam sa puso na may taong nandiyan para makinig sa sa iyo, para suportahan ka. Na kapag napapagod ka, nandiyan siya para iabot ang watter ko, pakainin ako.

“Minsan kasi pasaway ako, na kapag tuloy-tuloy ang work, hindi ako kumakain, at nagagalit siya sa akin. Thankful ako na sobrang genuine ang care niya, pati kay mommy,” ang pag-amin pa ni Sofia.

Pero hanggang kailan daw ba niya paghihintayin si Allen sa pagbibigay ng matamis niyang “oo”? “Depende po sa parents ko.”

Sabi naman ni Allen, “Ako po, willing talaga (maghintay). Anytime na sabihin sa akin na puwede na, willing po ako.”

Sa question naman kung paano ba niya nililigawan si Sofia, “Ako kasi, parang katulad sa tatay ko, dinadaan talaga sa classic na may dalang bulaklak, pupunta ka sa magulang niya, pagsisilbihan mo siya.”

Kinikilig namang sey ni Sofia, “Sino po ba ang may ayaw sa ganu’n? Siyempre gusto nating maranasan ang makalumang pagliligaw.

“Ngayon kasi, wala nang ligaw-ligaw, na mag-chat lang, tapos sasabihin, tayo na. Masaya ako na ganu’n ang mindset niya!” aniya pa.

Mapapanood na simula sa January 13 sa GMA Afternoon Prime ang “Prinsesa ng City Jail” mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Kasama rin dito sina Keempee de Leon, Ina Feleo, Dominic Ochoa, Jean Saburit, Denise Laurel, Beauty Gonzalez, Will Ashley at marami pang iba.

“Prinsesa ng City Jail” follows the story of Princess (Sofia), a young girl raised near a prison by her jail guard father. She brings light to the lives of the people around her, especially the convicted criminals.

But despite the love and happiness she finds with them, Princess still longs for a mother who abandoned her.

Read more...