Igan sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap: Malabong payagan ng MTRCB

Igan sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap: Malabong payagan ng MTRCB

Arnold Clavio, Pepsi Paloma at Darryl Yap

MATAPANG na nagbigay ng saloobin ang veteran broadcast journalist at news anchor na si Arnold Clavio sa viral teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang inilabas ng direktor ng biopic ni Pepsi Paloma na si Darryl Yap na maikling teaser video about his latest film starring teen star Rhed Bustamante.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa naturang teaser kung saan mapapanood ang eksena nina Gina Alajar, playing the late actress Charito Solis at Rhed na gumaganap bilang Pepsi.

May mga nagsabing ginawa raw ito ni Direk Darryl para mamolitika dahil malapit na ang eleksyon pero may nagkomento rin na pabor daw ang pelikula sa mga taong nasangkot sa pagkamatay ng sexy star.

Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’

Isa sa mga celebrities na unang nag-react sa pelikula ni Darryl Yap ay si Igan. Ni-repost niya sa kanyang Instagram page ang teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma.” Narito ang buong caption na inilagay ng Kapuso broadcaster.

“EHEM: Inilabas na ang trailer or teaser ng pelikula na The Rapist of Pepsi Paloma para sa taong 2025.


“At dito ay matapang na binanggit ang pangalan ni Bossing @vicsottoofficial bilang ‘rapist’ ng nagbigting dating bold star na si Pepsi Paloma o Delia Smith sa totoong buhay.

“Puwedeng magtago sa artistic freedom ang direktor pero hindi sa mga umiiral na batas. Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon. Baka iyon ang intensyon, ang manggulat!

“Ilang dekada nang binubulabog ang pilipino ng isyung ito. Tuwing may malalaking mga problema ang isyung ito ay laging panligaw.

“Pero tanda ko, sa panayam ni @juliusbabao kay Coca Nicolas, kaibigan ni Pepsi, na ang rape issue ay ‘gimik’ at gawa-gawa lamang ng kanilang manager – ang namayapang si Dr. Rey Dela Cruz.

“Dalawang Sotto ang tumatakbo sa Eleksyon 2025. Si former Senate President Tito Sotto, kapatid ni Vic at si Mayor Vico Sotto ng Pasig City, anak ni Vic kay aktres na si Connie Reyes.

“Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya.

“Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation. Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?

“Huwag nating kalimutan na ang Chairman at CEO ngayon ng MTRCB ay walang iba kundi si Lala Sotto-Antonio, anak ni Titosen at pamangkin ni Vic.

“Tandaan, sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente. May mga norms at ethics na dapat sundan,” ang buong pahayag ni Igan.

Read more...