“IT was a tribute…hindi po in memoriam.”
‘Yan ang naging paglilinaw ng tagapagsalita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Noel Ferrer matapos kumalat sa social media ang pambabatikos ng ilang netizens dahil pinatay raw umano sa “Gabi ng Parangal” ang batikang aktres na si Eugene Domingo.
Mapapanood at mababasa kasi sa ilang posts ang isang maikling clip na tila nagkaroon ng glitch sa isang bahagi ng programa ng event na kung saan ay isinama raw si Eugene sa isang “in memoriam” umano ng mga pumanaw na legendary stars.
Pero isa pala itong fake news, ayon kay Ferrer!
Baka Bet Mo: Ogie inispluk ang nag-No. 1 sa opening day ng MMFF 2024, kaninong entry kaya?
Caption niya sa isang Facebook post, “Just to clarify – the number of @armanfferrer @iammarkbautista Robert Sena & @johnarcilla was a tribute number to MMFF Icons through the 50 years…hindi po in memoriam.”
Ani pa niya, “SANA MAN LANG NA APPRECIATE NA ANG HUHUSAY NG MGA NAG-PERFORM KAGABI.”
Samantala, nauna nang iginiit ni Ferrer na patas at hindi luto ang mga itinanghal na panalo sa awards night na ginanap sa Paranaque City noong December 27.
“You may agree or disagree with their choices…but the integrity of each and every member of the Jury since we took charge in 2016, especially on this 50th Edition of the MMFF cannot be assailed,” wika niya sa FB.
Ang pagpili raw sa mga nanalo ay talagang naging masusi at matagal na pinag-isipan.
“No leaks, definitely no cooking show,” giit niya.
Sey pa niya sa post, “Only the Jury Chair and the MMFF Executive Director knew the results, not even I or any member of the Execom. Rest assured, there was due process and the judgment was fair and sound and final!”
Ang board of jurors ay pinangunahan ni UP Film Institute professor emeritus Nicanor Tiongson, kasama sina FDCP chairperson Joey Javier Reyes, Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ang aktor na si John Arcilla, Philippine Daily Inquirer journalist Marinel Cruz, Film Academy of the Philippines director general Paolo Villaluna, Roy Iglesias, Philippine Motion Pictures Producers Association producer Jesse Ejercito, Videlle “Lee” Briones-Meily, Thomas Orbos, Cesar Ona Jr., Racquel Wong, at Robinsons Movieworld operations director Evylene Advincula.
Ang big winner at humakot ng parangal sa MMFF 2024 ay ang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Judy Ann Santos.