MAUUSO nanaman ang paggamit ng paputok dahil ipagdidiwang natin ang Bagong Taon!
Pero hinay-hinay lang mga ka-BANDERA dahil sa kabila ng tradisyunal na paggamit nito sa nasabing selebrasyon, ang paputok ay nananatiling pangunahing sanhi ng aksidente taon-taon.
Upang maiwasan ang anumang sakuna at maging ligtas sa New Year, ibinandera na ng Department of Health (DOH) ang ilang mga paalala.
Baka Bet Mo: DOH may ‘tips’ para iwas stress ang mga alagang hayop sa ingay ng paputok
Mga Don’ts
❌ Huwag bumili o gumamit ng mga iligal na paputok.
❌ Huwag pulutin o sindihan ang mga paputok na hindi sumabog.
❌ Huwag hayaang maglaro ang mga bata ng watusi o iba pang maliliit na paputok na maaaring malunok.
Mga Do’s
✅ Gamitin ang mga alternatibong pampaingay tulad ng torotot, tambol, o karaoke.
✅ Manood ng community fireworks display mula sa mga lokal na pamahalaan.
✅ Siguraduhing may first aid kit sa bahay bilang paghahanda.
✅ Bantayan ang mga bata at tiyaking hindi sila gagamit ng paputok.
Mga Panganib ng Paputok
Pagkaputol ng bahagi ng katawan tulad ng daliri o kamay.
Pagkabulag mula sa iritasyon o sugat sa mata.
Pagkabingi dahil sa malalakas na pagsabog.
Pagkalason mula sa nakalalasong kemikal tulad ng lead at sulfur dioxide.
Pagkapaso o sunog na maaaring magdulot ng permanenteng peklat.
Binigyang-diin ng DOH na ang disiplina at kooperasyon ng bawat isa, katuwang ang barangay officials at lokal na lider ay mahalaga upang maging ligtas at masaya ang Bagong Taon.
Pakiusap pa ng ahensya, piliin ang alternatibo at gawing ligtas ang kasiyahan at selebrasyon.
Para sa mga emergency, tumawag sa DOH Hotline 1555 o National Emergency Hotline 911.