Dennis ‘naiyak’ habang kumakanta ng Christmas song para sa mga anak

Dennis 'naiyak' habang kumakanta ng Christmas song para sa mga anak

PHOTO: Instagram/@dennisastig

EMOSYONAL at naiyak ang batikang aktor na si Dennis Padilla nang maghandog siya ng Christmas song para sa mga anak.

Ito kasi ang kanyang munting regalo ngayong ipinagdiriwang ang Pasko.

Sa Instagram, ibinandera ni Dennis ang full video niya na makikitang nasa isang home studio siya at kinanta ang sariling bersyon ng “Have Yourself a Merry Little Christmas” ni Frank Sinatra.

Ngumingiti-ngiti pa nga sa umpisa ang aktor, habang fina-flash sa screen ang ilang throwback pictures kasama sina Julia, Claudia, at Leon Barretto na anak niya kay Marjorie, makikita rin sa mga litrato sina Dianne at Luis na anak niya kay Monina Gatus, pati na rin sina Gavin at Maddie na anak naman niya kay Linda Gorton.

Habang tumatagal, mapapansin na tila nagpipigil ng iyak si Dennis hanggang sa dulo ay talagang naluha na siya.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla nasa ‘healing process’ na with Julia, Claudia, Leon pero…

Caption niya sa post, “Dearest Diane, Luis, Daniela, Julia, Claudia, Leon, Rizzi, Gavin, and Maddie, Merry Christmas.”

Mensahe pa niya, “Love you all mga anak. Always praying for more blessings and safety to all of you.”

Matatandaang noong 2022 nang maglabas ng saloobin si Leon sa kanyang IG account ukol sa madalas na pagpo-post ni Dennis ng mga tampo nito sa mga anak kay Marjorie.

Marami na kasi ang bumabatikos sa magkakapatid dahil sa ginagawang post ng celebrity dad.

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us not to feel protected by their own father?

“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us,” saad sa bahagi ng open letter noon ni Leon.

Samantala, nitong Pebrero nang ikuwento ni Dennis na binati siya ni Julia ‘nung birthday niya.

Read more...