Mark Herras, Nicole Donesa magkaka-baby no. 2 na: ‘The more, the merrier!’

Mark Herras, Nicole Donesa magkaka-baby no. 2 na: ‘The more, the merrier!’

PHOTO: Instagram/nicole_donesa

ANG bongga ng natanggap na Christmas gifts ng mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa ngayong taon!

Bukod kasi sa bagong bahay, sila ay magkaka-baby na ulit!

Ang good news ay ibinandera mismo ni Nicole sa kanyang Instagram page noong December 24.

“The best gifts don’t come under a tree [house, baby, Christmas tree emojis],” bungad niya, kalakip ang ilang family pictures, pati na rin ang ultrasound ng bagong baby nila.

Masayang caption niya, “This Christmas season, God gave us not one, but TWO gifts.”

Baka Bet Mo: Mark Herras sa pag-alis sa poder ni Lolit Solis bilang talent: Kasi nadamay na ang anak ko…

“Not only do we get to finally move into Casa Corky [house emoji], but God surprised us with another unexpected blessing [baby emoji],” patuloy ng misis ni Mark.

Pasasalamat niya, “Happy Birthday Papa Jesus and Thank you for all that you do.”

“To all of our friends and family, we spread all the love, prosperity, good health & blessings to you this holiday season,” mensahe rin niya.

Aniya pa, “From our growing family, we wish you the Merriest of Christmases. Besides…THE MORE, THE MERRIER hehe [emojis].”

Sa comment section, marami ang nagpaabot ng congratulatory messages sa mag-asawa.

Kung matatandaan, ibinahagi ng mag-asawa na nagsimula ang construction ng kanilang family home noon pang 2022.

Nabanggit pa nila sa isang interview na na excited at looking forward na silang makita ang kabuuan nito very soon.

Samantala, noong September 2021 ikinasal sina Mark at Nicole sa isang civil ceremony sa Quezon City.

Ipinanganak naman nila ang panganay na anak na si Corky noong January 31, 2021.

Read more...