Mark Herras, Nicole Donesa nagpakasal na: Legal na kaming mag-asawa! | Bandera

Mark Herras, Nicole Donesa nagpakasal na: Legal na kaming mag-asawa!

Ervin Santiago |September 19,2021
facebook
share this

Mark Herras, Nicole Donesa nagpakasal na: Legal na kaming mag-asawa!

Ervin Santiago - September 19, 2021 - 03:52 PM

Nicole Donesa at Mark Herras

NAGPAKASAL na ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa nitong nagdaang Miyerkules sa Quezon City Hall.

Ngayong araw, Sept. 19, ibinandera ng bagong kasal sa social media ang naganap na simpleng civil wedding ceremony nitong Sept. 8, 8 a.m., sa Quezon City Hall.

Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay ang mismong mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nicole ng ilang wedding photos nila ni Mark na may caption na, “We tied the knot (heart and infinity emoji) on Mama Mary’s birthday.”

Ito naman ang isinulat ni Mark sa kanyang IG post, “Got married (red, yellow, and green heart emojis). Hi Mrs. Herras!”

Ibinahagi rin ng bagong kasal sa kanilang YouTube vlog ang ilang detalye tungkol sa naganap na intimate wedding na dinaluhan lamang ng lima nilang kapamilya.

Pahayag ni Nicole, “We’re really happy with the simple celebration we did. Kaya kami nagpa-civil wedding na with Mayor Belmonte and our ninongs and ninangs is because we wanted to be legal na.”

Sey naman ni Mark, “So legal na kaming mag-asawa talaga.”

Kuwento pa ni Nicole, mabuti na lamang daw at pumayag agad si Mayor Joy para mag-officiate ng seremonya.

“Sobrang last minute yung pag-aayos ng lahat. Walang kahirap-hirap yung nangyari. Talagang gusto ni Mama Mary na ikasal tayo,” aniya pa.

Ang unang plano talaga ng celebrity couple ay magkaroon ng malaking kasal para maimbitahan din ang malalapit nilang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Chika ni Nicole, “Dahil sa pandemic ngayon, hindi pa talaga kasi makapag-wedding na yung gusto namin, yung carefully planned out. Present yung mga kamag-anak and mga close friends.”

Dagdag naman ni Mark, “Dahil sa pandemic, hindi pa siya puwedeng ayusin. Kasi kung ipilit namin yung church wedding, marami rin ang hindi makakapunta.”

Siniguro naman ng mag-asawa na matutuloy pa rin ang mas bonggang selebrasyon at umaasa sila na makakapunta na ang parents ni Nicole na nasa Amerika raw ngayon.

Sey ni Nicole, “Nasa States kasi silang lahat. We’re saving the big celebration for the church wedding. We just don’t know when pa yun.”

“Hopefully soon, sana matapos na yung nangyayaring pandemic para maayos na natin,” pahayag naman ni Mark.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati kina Mark at Nicole mula sa kanilang mga fans at celebrity friends kabilang na sina Rochelle Pangilinan, Rocco Nacino, Chynna Ortaleza, Juancho Trivino, Steven Silva at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-propose si Mark kay Nicole noong June, 2020 at ipinanganak naman ang panganay nilang anak na si Baby Corky nitong nagdaang February.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending