ILANG videos ang ipinanood sa amin na hindi okay ang dalawang bida ng isang pelikulang kasama ngayong 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa nakaraang Parade of the Stars na ginanap sa lungsod ng Maynila noong December 21.
Habang naghihintay na tawagin ang cast ng nasabing pelikula sa stage kung saan naroon ang media at opisyales ng Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama rin ang MMFF/MMDA executives na sina Atty. Don Artes, Atty. Rochelle M. Ona at Noel Ferrer, spokesperson ay nakatalikod ang aktres sa aktor dahil mas gustong kausap nito ang supporting actress at supporting actor na nila.
Baka Bet Mo: Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity
Sa nasabing video ay ilang anggulo ang napanood namin na sadyang binantayan ng media na nag-cover ng parada ang dalawang bida ng pelikula at base sa napanood namin ay hindi talaga nagpapansinan sina aktor at aktres, magkagalit ba sila o hindi lang sila close?
Hanggang matapos i-present ang cast ng pelikulang ito ay hindi pa rin sila nagpapansinsan, anyare?
“Wala nga nakakaalam bakit hindi sila (aktor at aktres) okay, pero may narinig ako na hindi bet ni aktres si aktor,” sabi sa amin ng nagpakita ng video.
Hmm, baka naman type ni aktor si aktres tapos inayawan kaya nagalit? Si aktor ay single ngayon at balitang naghahanap ng dyowa.
Si aktres naman ay wala kaming balita kung may boyfriend dahil ilang buwan din siyang nagpahinga sa ingay ng showbiz.
At ngayong back to work na si aktres ay sana muling umingay ang pangalan niya tulad dati.