HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakikita ng publiko na magkasama ang controversial na magka-loveteam na sina Anthony Jennings at Maris Racal.
Ito’y matapos sumabog ang “cheating issue” na kanilang kinasangkutan dahil sa pambubuking ng ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva tungkol sa ginawang panloloko sa kanya.
Magkasama sina Maris at Anthony sa Kapamilya series na “Incognito” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Ian Veneracion at Richard Gutierrez na ipalalabas sa January, 2025.
Bukod dito, ka-join din sila sa cast ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “And The Breadwinner Is…” pero kung hindi kami nagkakamali, never lumabas na magkasama sina Maris at Anthony para mag-promote.
May nakapagkuwento sa amin na no show si Maris sa naganap na Christmas party ng “Incognito” last Friday, December 20. Tanging si Anthony lang daw ang um-attend doon.
Baka Bet Mo: Maris sa titulong bagong Rom-Com Queen: Parang ‘di ko pa keri ‘yung crown
Napanood namin sa social media ang ilang video na kuha sa naturang party at doon makikita ang masayang bonding ng cast members ng “Incognito”, kabilang na nga si Anthony na nakipagsayawan at nakipagkantahan pa kina Daniel, Richard, Ian, Polo Ravales at Kaila Estrada.
Kapansin-pansin nga na wala si Maris sa mga video at litrato na kumalat sa socmed. Kaya naman ang tanong ng mga netizen, totoo kayang bawal pa ring magkita at magsama ang dalawa in public dahil nga sa kinasangkutan nilang cheating scandal?
O, baka naman talagang si Maris na ang nagdesisyon na umiwas na lang muna kay Anthony para sa ikatatahimik ng kanyang isip at kalooban. Or, pwedeng nagkikita pa rin sila nang patago dahil talagang hindi nila kayang tiisin ang isa’t isa?
Kasunod nito, kumalat naman online ang mga photos ni Maris na kuha sa kanyang hiking trip. Base sa Facebook post ng tour guide na si Conz Asmin, makikita ang pag-akyat ng dalaga sa Mt. Ulap sa Benguet.
Wala rin ang magka-loveteam sa naganap na premiere night ng kanilang MMFF 2024 entry kahapon, December 23.
Samantala, makalipas ang ilang linggong pag-iwas sa socmed matapos bugbugin ng mga bashers at haters dahil sa ginawa niyang panloloko kay Jam, ay muling nagparamadam si Anthony sa kanyang fans and followers.
Ipinost ng binata ang poster ng “And The Breadwinner Is…” sa kanyang Instagram page na may caption na, “TWO DAYS NA LANG, YAYAIN NA ANG BUONG PAMILYA!”
Matatandaang nag-public apology sina Maris at Anthony matapos ibuking ni Jam Villanueva ang ginawang panloloko sa kanya ng mga ito.
Pahayag ni Maris, “Today, I will be speaking from my heart, lahat ng sasabihin ko ngayon ay galing sa puso ko. Nagkamali ako, and I only say sorry for everything that I have done.
“It started last June of 2024, I was in a very dark place. I’m lonely and I was getting attention from Anthony. The kind of attention that I needed.
“When I sensed that there was a brewing attention between Anthony and I nadala ako sa emotions ko. And I knew that was wrong. I came clean right away, I told my ex everything and I admitted things to him and then we broke up.
“It wasn’t easy, it was very hard for me to announce the breakup. I was so emotional during that interview because I was holding back the truth. Yun yung totoo,” aniya.
Ito naman ang naging official statement ni Anthony, “Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraan araw, sa lahat po ng taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam.
“Humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yun lamang po, sorry po ulit.”