Yearend 2024: Pinoy celebs na swerteng na-meet ang kanilang global ‘idols’

Yearend 2024: Pinoy celebs na swerteng na-meet ang kanilang global 'idols'

PInoy celebs meet their global idols

NGAYONG 2024, hindi lamang mga karaniwang fans ang nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang kanilang mga iniidolo.

Dahil mula sa luxury events hanggang sa backstage encounters, maraming Pinoy celebrities ang nagpakita ng kanilang fangirl at fanboy moments.

Narito ang ilan sa mga highlight ng mga kilig-worthy na tagpo sa pagitan ng ating lokal na artista at global icons.

Heart Evangelista

Siyempre, ang number one diyan ay walang iba kundi ang fashion icon at aktres na si Heart Evangelista.

Baka Bet Mo: Yearend 2024: Top 12 nakakalokang pasabog na chika ng BANDERA

Isa lamang sa mga heartthrob na na-meet niya ay ang Korean star na si Lee Min-ho!

Noong Pebrero nang mag-viral ang kanilang video matapos dumalo sa isang fashion event sa Thailand.

Naging agaw-pansin pa nga sa maraming fans ang pag-shake hands ng dalawa habang nag-uusap.

Pero bago ‘yan, naunang nag-trending si Heart dahil naging seatmate niya sa isang event sa Paris Fashion Week ang TWICE member na si Myoi Mina noong Enero.

Tuwang-tuwa ang maraming fans dahil tila mag-bestfriends ang dalawa kung titingnan.

Shaira Diaz

Isa pa sa maswerte na nakasama si Lee Min-ho ay si Shaira Diaz.

Aminado ang Kapuso actress na paborito niyang South Korean actor si Min-ho na bumida sa mga K-Drama series na “The King”, “Boys Over Flowers”, “The Inheritors”, “Legend of the Blue Sea” at marami pang iba.

Kaya naman nang magkaroon ng chance na makita up close and personal ang Korean idol ay hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang challenge para makapunta sa fan meet ng aktor.

Ibinahagi ng dalaga na talagang pumunta siya sa isang restaurant para lumafang ng 60 piraso ng chicken sa loob lang ng isang araw na ang kapalit ay ticket nga sa fan meet ng iniidolong Korean actor.

Bukod kay Min-ho, na-meet na rin niya ang isa pang sikat na K-Drama actor na si Song Joong Ki na nakilala naman sa seryeng “Vincenzo” at “Descendants of the Sun.”

Pia Wurtzbach

Bongga rin Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil tila pinakyaw na niya ang K-Pop stars sa isang fashion event sa Seoul, South Korea kung saan ay hindi niya pinalampas na magpa-picture.

Kabilang na riyan ang Korean personalities na sina BLACKPINK Lisa, SEVENTEEN Mingyu, at ENHYPEN members na sina Jungwon at Ni-ki.

Bukod sa kanila, nakasama rin ng Pinay beauty queen ang Japanese model na si Hikari Mori, Thai actor-musician na si Mile Phakphum Romsaithing, Singaporean actress na si Fiona Xie, at Singaporean actor na si Ayden Sng.

Sa Instagram noong Marso, inamin ni Pia na kinilig siya that time, pero hindi niya ito pinahalata.

Anne Curtis

Marami rin ang napa-sana all sa TV host at aktres na si Anne Curtis matapos ma-meet sa personal ang K-Pop boy group members na sina Jake at Sunghoon ng ENHYPEN habang sila’y nasa elevator.

Sa Instagram, ibinandera ni Anne ang ilang highlights noong Abril at makikita sa mga litrato na kasama roon ang ENHYPEN members.

Hindi naman sikreto na matagal nang fan ng K-Drama at K-Pop si Anne mula pa noong 2017.

Sa paglipas ng panahon, talagang marami na siyang na-meet when it comes to Korean stars.

Baka Bet Mo: Yearend 2024: Kamatayan, pamamaalam sa mundo ng showbiz

Ilan na lang diyan ang kanyang ultimate favorite Oppa na si Gong Yoo, ang apat na miyembro ng Blackpink, si Nam Joo Hyuk, Park Bo gum, Sehun ng EXO at ang K-Pop idol-actress na si IU.

Niana Guerrero

Naging trending noong Mayo ang proud moment ng internet personality na si Niana Guerrero nang makachikahan ang kanyang idol na si Billie Eilish.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Niana na dumalo siya sa “Hit Me Hard and Soft” concert ng international singer, pati na rin sa listening party nito na ginanap sa Kia Forum sa Inglewood, California.

Sa picture, makikita na tila very close na sila dahil magkayakap pa silang dalawa habang nagpo-pose sa camera.

Donny Pangilinan, Cong TV

Marami ang napa-wow nang makausap nina Donny Pangilinan at Cong TV ang sikat na Hollywood stars na sina Ryan Reynolds at Hugh Jackman.

Na-interview kasi nila ito noong Hulyo sa Seoul, South Korea bago ipalabas ang Marvel movie na “Deadpool & Wolverine.”

Sa kani-kanilang Instagram page, proud na ibinandera ng Pinoy celebrities ang naging groupie nila with the international actors.

Rocco Nacino

Tila naging memorable rin para sa Kapuso actor na si Rocco Nacino ang taong ito dahil nakachikahan niya ang ilang bigating Korean stars.

Ito aya matapos siyang dumalo sa Busan International Festival (BIFF) sa South Korea noong Oktubre.

Ilan lamang sa mga nalapitan at nakunan niya ng selfie ay sina Song Joong Ki, Ji Chang Wook, Park Seo Joon, Kim Si Wan, Yoon Kyung-ho at Jung Jinyoung ng K-Pop boy band na B1A4.

Nagpunta si Rocco sa BIFF dahil siya ang naging representative ng pinagbibidahang pelikula ni Brillante Mendoza na pinamagatang “Motherland.”

Read more...