Kathryn may bonggang Pamasko sa glam team, nilibre ng trip to Thailand

Kathryn may bonggang Pamasko sa glam team, nilibre ng trip to Thailand

PHOTO: Instagram/@bernardokath

ANG swerte naman ng glam team ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo!

Nilibre kasi sila ni Kath ng trip to Thailand bilang regalo ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa aktres, ito ang pasasalamat niya matapos ang tagumpay sa latest blockbuster movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Again,” pati na rin sa iba pang na-achieve niya this year.

Sa Instagram, makikita ang masasayang bonding nila sa pamamasyal sa iba’t-ibang tourist attraction, food trip at party party.

“Behind all the glitz and chaos is my strong support system—both a team and a family [red heart emoji],” caption niya.

Baka Bet Mo: Glam team ni Maris ‘naloko’ rin umano ni Anthony: ‘He’s single, ‘yun ang chika’

Aniya pa, “Couldn’t ask for more. Love you all.”

Magugunitang gumawa ng kasaysayan ang “Hello, Love, Again” nina Kathryn at Alden na kung saan ay kumita ito ng mahigit P1 billion worldwide.

Dahil diyan, ang pelikula ang naging kauna-unahang Filipino film na nakaabot ng nasabing box-office.

Ang nasabing pelikula rin ang bagong may hawak ng titulong “highest grossing Filipino film of all time.”

Ito ay matapos kumita ng mahigit P930 million worldwide sa loob lamang ng sampung araw mula nang ipalabas sa mga lokal na sinehan.

Dahil rin sa mahusay na performance niya sa pelikula, si Kathryn ay nakatanggap ng “Snow Leopard Rising Star Award” sa 10th Asian World Film Festival.

Samantala, maliban kay Kathryn, ilan pa sa mga celebrities na naghandog ng Pamasko sa kanilang team ngayong holiday season ay sina Heart Evangelista at Maine Mendoza.

Si Heart ay nagbigay ng tig-isang Hermes bag sa kanyang glam team, habang si Maine ay nagregalo ng luxury shoes sa bawat miyembro ng Singing Queens ng “Eat Bulaga.”

Read more...