SHARON nagalit sa epal na Kongresista; Volunteers nagnanakaw ng relief goods
BWISIT na bwisit si Sharon Cuneta sa isang “congressman” na nagsagawa raw ng relief operation sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda nitong mga nakaraang araw.
In fairness, may karapatan si Mega na magsintir dahil nga sa lahat ng mga artistang tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad ay siya talaga ang super effort, bukod pa nga sa siya ang sinasabing nag-donate ng pinakamalaking halaga among local celebrities.
P10 million ang inilabas ni Sharon para i-donate sa Yolanda victims – P5 million para sa Alagang Kapatid Foundation at P5 million para sa Aboitiz Foundation.
Nabasa namin sa Twitter account ni Mega (@sharon_cuneta12) ang tungkol sa isang congressman na naglalagay raw ng kanyang pangalan sa bawat relief bags, pati na rin ang isang “reputable organization” kung saan nakitang nagtatabi raw ng relief goods ang mga volunteers nito.
Tweet ni Mega, “My God… If it’s true that our kababayan haven’t eaten in 4-5 days, then I am infuriated. No people deserve to wait that long for EMERGENCY RELIEF!”
“I just heard that in some place where goods are being repacked for distribution, may nakuha pampapel na politiko – in one place, CONGRESSMAN – at nilalagyan ng pangalan nya ang packs!!! KAPAAAAL!!!
“I hear somewhere in Pasay naman, where a certain reputable org is also repacking, “TINATABI” ang mga delatang IMPORTED para sa sarili nila!!! MAHIYA NAMAN KAYO!!!
“The very kindhearted Doctors without Borders have come to help. Problem is, they cannot yet set-up their makeshift clinics as there seem to be problems coordinating with people here!
“I do not know why they cannot get themselves together – after all, we are in a state of emergency – that even donated relief goods & direly needed doctors & meds cannot be brought to those who most need them.
I hope this is by now OLD NEWS at nagawan na ng paraan. Otherwise – ANO BA ANG NANGYAYARI??!!!” litanya ng singer-actress-TV host.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.