HOW true kaya ang kumakalat na chikang tila nagkakaroon na raw ng lamat ang magandang samahan nina Annabelle Rama at Jinkee Pacquiao?
Sa nagdaang episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, December 19, nabanggit ng batikang showbiz columnist ang ilan sa diumano’y nangysyaro sa pagitan ng dalawa.
“Di ba mag-best friend sina Tita Annabelle Rama at saka si Jinkee Pacquiao, mag-bff sila. Pero bakit nasusulat sa mga pahayagan, magkaaway na raw sila ngayon?” panimula ni Nanay Cristy.
Pagpapatuloy pa niya, “Di ko pa alam kung anong detalye tungkol dito. Pero may mga nagkuwento nga sa akin na totoo raw ito.“
Baka Bet Mo: Melai natatakot interbyuhin si Annabelle Rama; may gustong malaman kay Ellen
Inalala pa nga ni Nanay Cristy kung paano nakatulong ang pamilya nina Annabelle sa pagtakbo ng asawa ni Jinkee na si former Sen. Manny Pacquiao noong nagdaang 2022 national elections.
“Alalahanin mo na no’ng tumakbo bilang pangulo si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang pamilya Gutierrez ang tumutok sa kampanya nila, ‘di ba?
“Lahat sila, sila ang tumulong kay Pacman. Tapos ngayon, ganito na?” sey pa ni Nanay Cristy.
Kuwento pa niya, full support talaga si Annabelle noon sa pamilya Pacquiao at lumilipad pa ito patungong General Santos sa tuwing kailangan siya ng mag-asawa.
“Hindi ko lang alam kung anong pinagsimulan nito pero ‘yan ang mainit na pinag-uusapan ngayon.
“Ito lang ang tanong, paano kapag pinatulan ni Tita Annabelle si Jinkee? Giyera kung giyera yan!” dagday pa ni Nanay Cristy.
Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag ang dalawang kampo hinggil sa kumakalat na chika patungkol sa dalawang kilalang personalidad.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Annabelle at Jinkee hinggil sa isyu.