MAY ni-reveal ang anak ni Gary Valenciano na si Kiana patungkol sa bago niyang journey sa buhay.
Siya pala ay married na sa non-showbiz partner na si Sandro Tolentino!
Ang pag-amin na ‘yan ay ibinandera mismo ni Kiana sa Instagram kasabay ng pagdiriwang ng kanilang first year wedding anniversary.
Makikita sa video post ng singer na ang ilang moments sa intimate wedding kasama ang kanilang mga mahal sa buhay na ginanap sa Pangasinan.
Ang bungad na caption pa ng anak ni Gary V, “Secret wedding? Highly recommend.”
Baka Bet Mo: Gary V itinuturing na ‘blessing’ ang future son-in-law na si Sandro: ‘Napatunayan niya sa aming lahat…’
Mensahe pa niya para kay Sandro, “This year has been nothing short of beautiful, and we can’t wait to celebrate our marriage with the rest of our loved ones. Happy anniversary my love.”
Nag-post din ang events designer na si Gideon Hermosa ng ilang sweet photos ng newly weds sa kanyang IG account.
“The joys of an intimate wedding come to life so beautifully in these images,” sey niya sa post.
Aniya pa, “This one was exactly a year ago. All good things reveal themselves in due time and this is one of them. Congratulations, Kiana and Sandro.”
Sa comment section, nagpasalamat si Kiana kay Gideon dahil isa ito sa mga dahilan na naging espesyal ang kanyang wedding.
“Words cannot express how happy you made us. You truly designed the perfect backdrop for the most important day of our love story. Thank you @gideonhermosa,” lahad niya.
May video post din ang Pasig-based photography studio na Nice Print Photography na ipinasilip ang ilang masasayang ganap sa kasal nina Kiana at Sandro.
“Secret is out [emoji] One year ago today @kianavee and Sandro tied the knot in an intimate wedding ceremony – finally able to share with everyone this very beautiful day,” sambit sa IG post.
Pagbati nila, “Happy 1st wedding anniversary! [ring, red heart emojis].”
Kung matatandaan, August last year nang inanunsyo ng mga magulang ni Kiana na siya ay engaged na.