‘Batang Quiapo’ may malaking pasabog sa 2025; MTRCB nilabas ang ratings sa 9 new films

'Batang Quiapo' may malaking pasabog sa 2025; Ratings ng MTRCB sa 9 new movies

Coco Martin, MTRCB Chair Lala Sotto

PAHULAAN ang loyal viewers ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung magtatapos na ang serye dahil nagkasunud-sunod na nasaksak sina Tindeng (Charo Santos-Comcio), Marites (Cherry Pie Picache), Noy (Lou Veloso) at ni Lena (Mecedes Cabral) na pangunahing tauhan ng programa.

Sabi nga ni Lorna Tolentino sa amin nang maka-tsikahan namin sa mediacon ng “Espantaho” at nasulat namin dito sa BANDERA, “Abangan mo, hindi pa mamatay sina Tindeng at Marites.”

Oo nga, buhay pa ang mag-inang Tindeng at Marites, sina Noy at Lena ang namaalam na sa umereng kuwento ng “Batang Quiapo.”

Ang narinig naming kuwento ay puwera ang major cast ng programa ni Coco Martin ay tig-dalawang linggo na lang lahat ang guests para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang ige-guest ng aktor/direktor/prodyuser bilang tulong nito sa kanila.

Baka Bet Mo: Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Nabanggit nga niya sa panayam niya kay Ogie na maraming humihingi ng tulong sa kanya na mapasama sa BQ at para mapagbigyan lahat ay limitado na ang exposures nila hindi tulad sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na inaabot ng taon bago ma-tsugi.

Anyway, natanong ni MJ Felipe ng ABS-CBN news si Coco tungkol sa mga hindi inaasahang pagkawala ng ilang malalaking karakter sa “Batang Quiapo.”

“‘Yun talaga ‘yung flow ng kwento. Kumbaga, hinog na siya. Gusto ko kahit December o kahit ano ‘yung okasyon gusto ko dire-direcho kasi buo ‘yung kwento eh, kasi ang dami naming interesting characters na dapat bigyan ng kwento eh,” paliwanag ni Coco alyas Tanggol.

Dagdag pa, “Natutuwa kami kasi ‘yung ratings kahit December, ang ganda ganda nang binibigay sa amin na pagmamahal at suporta ng mga tao.”

Nasambit din ng aktor na may malaking plano sila para sa second anniversary ng “Batang Quiapo” sa February 2025.

“Ibig sabihin nun, maganda ‘yung naibibigay nating kwento sa pagtutulungan ng lahat,” sambit ni Coco.

Pero siyempre hindi naman ito magagawa ni Coco o ng TEAM BQ kung walang tulong ang ABS-CBN at ibang subsidiaries para sa promo ng programa.

In fairness, walang prankisa ang ABS-CBN, pero ang lakas-lakas ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hindi nga Coco Martin ang naririnig naming pangalan kundi Tanggol.

***

Inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon para sa siyam na pelikula ngayong linggo.

Ang epic, “The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim,” isang prequel sa mga nangyari sa trilogy na “The Lord of the Rings,” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Rated PG din ang mga animated movies na “Bocchi The Rock! Recap Part 2” at “Daft Punk & Leiji Matsumoto: Interstella 5555.”

Kaparehong PG din ang horror-comedy na “Betting With Ghost,” mula Vietnam; “Christmas with The Chosen Holy Night,” at ang mga concert films mula South Korea na “Seventeen Right Here World Tour” at “NCT Dream Mystery Lab: Dream Scape.”

Sa PG, kailangang kasama ng edad 12 at pababa ang mga magulang o nakakatanda sa sinehan.

Ang “Kraven The Hunter” at “Dirty Angels” ay parehong rated R-16 o mga edad 16 at pataas ang pwede lamang makapanood.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata habang nanonood.

“Habang mahigpit na tinitiyak ng MTRCB na ang lahat ng pelikula ay may angkop na klasipikasyon, esensyal din na maging aktibo ang bawat magulang at guardian sa paggabay sa mga bata pagdating sa pagpili ng angkop na palabas,” sabi ni Sotto-Antonio.

Read more...