Pamasahe, pamasko, panregalo, panghanda – sa dami ng gastusin at pinagkakaabalahan ngayong Pasko, ‘wag nang idagdag pa ang bitin na load!
Sa panahon ng saya at pagsasama-sama, nakakainis nang isiping maputol pa ang pag-video call sa mga mahal sa buhay, matigil ang check-out pagkatapos mag “add to cart”, o mabitin ang chikahan at batian sa group chat ng barkada. Sa dami rin ng mga bagong palabas online, baka hindi mo pa maabutan ang ending ng pelikula!
Kung dati ay magpapalista pa sa tindahan o hihiram ng kaunti sa kamag-anak makapag-load lang nang mabilisan, ngayon ay kaya mo nang mag-load nang walang abala sa pamamagitan ng Borrow Load ng GCash.
Salamat sa Borrow Load, tuloy-tuloy ang pagiging Merry ngayong Christmas kahit medyo bitin sa budget o pambayad. At dahil maraming gustong ipamasko ang GCash, maaaring mag-avail ng promo sa Borrow Load sa kahit anong network (Globe, Smart, TM, TNT, DITO)
Sa Borrow Load, kaya mo nang magpa-load agad-agad, pwede mo pa itong bayaran nang hanggang 14 days mula sa pag-load, lahat sa iisang GCash app lang!
Kung gusto mong maiwasang mabitin ang pag-celebrate ng Christmas, kayang-kaya mag Borrow Load sa GCash app sa iilang pindot lamang:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang “Load”
- Hanapin at i-tap ang “Borrow” at piliin ang “Borrow Mobile Load”
- Ilagay ang details gaya ng GCash number at telco, pumili ng promo, at i-confirm ang load
- Bayaran ang hiniram na load sa loob ng 14 days
Bitin man ang pambayad sa patong-patong na gastusin ngayong Pasko, tiyak na hindi mabibitin ang usapan, tawanan, at kasiyahan basta makapag-load agad sa Borrow Load. Walang abala ang paghiram ng pang-load kahit saan at kahit anong oras, walang abala sa pagload dahil agad itong makukuha, at walang abala ang pagbayad dahil may 14 na araw para makapag-ipon at mabayaran ang load!
Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!