Karla Estrada inispluk ang tungkol sa tunay na lovelife ni Daniel Padilla

Karla Estrada inispluk ang tungkol sa tunay na lovelife ni Daniel Padilla

MISMONG ang TV host-actress na si Karla Estrada ang nagsabing wala pa ring karelasyon ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Single na single pa rin daw ang Kapamilya star hanggang ngayon matapos silang maghiwalay ng ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas mula nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan. Wala silang sinabi kung ano ang tunay na rason ng kanilang breakup pero maayos naman daw nilang tinapos ang kanilang relasyon.

Sa naganap na grand mediacon ng comeback series ni Daniel sa ABS-CBN, ang “Incognito”, um-attend din si Karla para suportahan ang kanyang panganay na anak sa pagbabalik nito sa telebisyon.

“Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support siyempre natin sa bagong palabas especially sa anak ko,” sabi ni Karla sa panayam ng press.

Baka Bet Mo: Karla sa isang netizen: ‘Sige, Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’

Sobrang happy si Karla sa muling pagbibida ni Daniel sa “Incognito”, “Actually, hindi lang ako yung natuwa. Mas lalo na si Daniel.

“Kasi, naging handa siya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksyon na palabas. Kasi iyan talaga actually ang halos hindi pa niya nagagawa. Nakagawa na siya ng drama, comedy and all.

“Ito kasi, all-out action. Happy siya with his Tito Ian (Veneracion), Richard Gutierrez and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga siya, marami siyang natutunan sa aksyon,” pahayag ni Karla.

Natanong din ang aktres at TV host kung ano pa ang ibang pinagkakaabalahan ngayon ni Daniel noong kasagsagan ng  isyu sa hiwalayan nila ni Kathryn.

“Well, alam mo iyan, hindi naman mapakali sa buhay niya. Ang dami niyang negosyong binuksan, di ba?

“And workshop. Hindi siya naglubay para kapag dumarating yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready siya. Saka abangan natin yung malaking pelikula niya next year. Aksyon din,” sey pa niya.

All-out din daw ang suporta ni Karla kay DJ nu’ng may pinagdaraanan ang anak sa lovelife nito, “Alam mo, ang nanay ang unang nalulungkot kapag malungkot ang mga anak.

“Kapag may pinagdadaanan ang mga anak, mas gusto mo kunin na lang ang mga pinagdadanaan nila.

“Pero tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila, di ba?

“Paano pag mamaya mawala na tayo? So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila,” sey pa Karla.

Read more...