Kobe Paras ipakikilala na si Kyline Alcantara sa ina at pamilya sa US

Kobe Paras ipakikilala na si Kyline Alcantara sa ina at pamilya sa US

Kyline Alcantara at Kobe Paras

MAGKASAMANG magse-celebrate ng Christmas sa Bicol ang celebrity couple na sina Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Yes! Mas magiging masaya at meaningful ang Pasko para sa Kapuso actress at professional basketball player dahil for the first time they will spend the holiday season together at sa hometown pa ni Kyline.

Ayon sa “Shining Inheritance” lead star, ima-maximize nila ni Kobe ang ilang araw na pagbabakasyon nila sa Bicol, lalo na ang paglafang ng mga ipinagmamalaking putahe ng mga Bicolano

Sey ni Kyline sa plano nila ni Kobe sa Pasko, “Kumain ng lahat ng Bicol dishes, maaanghang. Kainin ang luto ng aking lola.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn sa ibang bansa magse-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa

“We’re just planning to chill of course it’s the holidays. I am happy that Kobe will be joining us,” saad pa ng dalaga sa panayam ng GMA 7.

Samantala, sa darating na Bagong Taon naman ay balak na raw ni Kobe Paras na ipakilala si Kyline sa kanyang inang si Jackie Forster.


“I have a lot of family on my mom’s side in the States and I’d love for them to meet Ky,” sey ni Kobe sa naturang interview.

At in fairness, handa na rin daw si Kyline na ma-meet ang family ni Kobe sa Amerika, partikular na ang nanay ng binata.

“Definitely. Na-meet niya na po ang aking buong angkan. Why not naman, ‘di ba? Yung sa kanya naman,” sey ng aktres.

Sabi naman ni Kobe  excited na siya para sa pagtatagpo ng pamilya niya at ni Kyline, “Not a lot of people have met my family from my mom’s side so it’ll be exciting for me, for them to meet Ky.”

Read more...