DINGDONG gigil na gigil sa makinis na kilikili ni MARIAN | Bandera

DINGDONG gigil na gigil sa makinis na kilikili ni MARIAN

Ambet Nabus - November 16, 2013 - 03:00 AM


NAGDURUGO ang puso ni Marian Rivera everytime na napapanood niya ang sari-saring footage ng epekto ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Sabi niya, hindi ito ang oras para magturuan, dapat ay magtulungan na lang muna kaya’t in her own little way bukod sa pagdarasal ay gumagawa rin siya “silently” ng paraan para makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Ito ang siniguro ni Marian sa re-launching niya bilang calendar girl ng Ginebra San Miguel for 2014. She was already the liquor’s brand endorser in 2011 at dahil ayon mismo sa mga tagapamuno ng kumpanya hindi sila nagdalawang-isip na muling kunin ang Primetime Queen ng GMA dahil naniniwala sila sa pagiging epektibo nitong endorser.

In fact, naghintay pala ang Ginebra ng pagkakataon na maklaro ang ilang stipulations sa kontrata ni Marian bao nila ito napapirma uli ng kontrata.

Super seksi, daring at kakaiba sa mga nagawa na niyang men’s magazines cover ang pictorial ni Marian sa nasabing kalendaryo na tiyak na magiging bahagi ng mga kabahayan ng mga Pinoy lalo na ‘yung mga lalaking manginginom na nagpapantasya sa alindog ng girlfriend ni Dingdong Dantes.

“We are truly grateful and so thankful for her kindness and being an effective (endorser) one. Eversince naman proud kami sa kanya at sa mga achievements niya kaya gusto naming ma-identify ang brand sa kanya.

Her being a woman of substance completes what our tag line says, ‘inumin ng tunay ng lalaki!'” hirit pa ni Nelson Elices, ang punong ehekutibo ng Ginebra.

Nga pala, sa isang calendar kung saan naka-two piece si Marianat nakataas ang dalawang kamay, mukhang ito rin yata ang favorite ni Dingdong dahil sabi nga ng aktres, ang kanyang kilikili ang gustung-gusto ng kanyang boyfriend. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending