ALIW na aliw ang mga netizens sa mga pasabog na rebelasyon tungkol sa mga miyembro ng SB19 na sina Stell, Pablo, Justine, Ken, at Josh.
Sa latest vlog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ay tampok ang P-pop boy group kung saan inusisa sila ng komedyante.
Habang nagkukulitan ay may mga pasabog na tinapay na handog si Vice sa SB19 bilang promotion ng kanyang MMFF 2024 entry na “And The Breadwinner Is”.
Para sa mga hindi aware, ginamit nina Vice sa kanilang pelikula ang kanta ng P-pop boy group ng “Mapa” bilang OST.
Baka Bet Mo: SB19 Stell rumampa sa Australian premiere ng ‘Wicked’: Made my heart happy!
Matapis ang chikahan ay kumasa ang mga ito sa “Suspect, suspect Challenge” at una ngang sumalang si SB19 Stell.
“Suspect, suspect. Pogi pero tatlong oras mag-ayos,” panlalaglag ni Justin.
Na-curious naman si Vice sa tagal ng pag-aayos ni Stell.
“Ba’t ang tagal mong mag-ayos? Buhok ka lang naman tsaka kilay lang naman inaayos n’yo,” tanong ni Vice.
“Matagal po akong maligo,” sagot ni Stell.
Dagdag pa niya, “Siguro mga one and a half po.”
“Bat ang tagal? Gaano ka kadumi?” banat ni Vice.
Tawang-tawa naman ang mga kasamahan ni Stell sa ginawa nilang panlalaglag sa kaibigan.
“Iba ‘yong ‘matagal po ako sa banyo‘ sa ‘matagal akong maligo.’ Ba’t ka matagal sa banyo?” pang-aasar pa ni Vice.
“Matagal po ako sa maligo. Marami po akong ginagawa,” natatawang sabi ni Stell.
“Ano-ano?” follow up ni Vice.
Sagot naman ni Felip, “Nagbe-breakdance.”
“Nagpa-practice ng sayaw,” sabi ni Pablo habang sumasayaw.