MATAPOS ang outreach program ni Justin De Dios, isa pang miyembro ng SB19 ang nagbigay saya bilang bahagi ng “Season of Giving” campaign.
Nagsanib-pwersa sina Josh Cullen, Sony Music Entertainment Philippines, at Reach Out and Feed Philippines Inc. para sa isang espesyal na proyekto na naglalayong tumulong sa mga batang nangangailangan sa iba’t ibang lugar ng bansa.
“Previously, we focused on delivering direct nutritional support. However, experiences in areas like Sitio Dumpsite in Antipolo taught us that to make a real, lasting impact, we must address severe socio-environmental issues impacting children’s health,” paliwanag ni Dawn Cabigon, Founder ng nasabing non-profit organization.
Sa Smokey Mountain sa Tondo, mahigit 25,000 residente, kabilang na ang mga bata, ang nakatira sa lugar na lubhang apektado ng polusyon mula sa pagsusunog ng basura.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: SB19 Justin, Sony Music PH nagbigay saya, tulong sa Tondo
Ang mga ganitong kondisyon, ayon kay Cabigon, ay kasinglaki ng epekto ng kakulangan sa nutrisyon.
Kaya naman, ang nasabong proyektong ay tumutugon hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa mga isyung pangkalikasan.
Isa sa mga highlight ng outreach program ay ang pagdalo ni Josh sa San Pablo Apostol Parish sa Tondo, Manila.
Nagpasaya ang P-Pop idol sa pamamagitan ng pag-perform ng kanyang mga awit mula sa debut solo album niyang “Lost & Found,” tulad ng “No Control” at “1999,” pati na rin ang hit song ng SB19 na “GENTO.”
Bukod diyan, ibinahagi ng SB19 member ang kanyang kwento ng tagumpay mula sa kahirapan, at pagkatapos ay namigay rin ng regalo sa mga bata.
“Collaborating with Josh Cullen brought a relatable and inspiring figure to both our team and the young beneficiaries,” sey ng founder ng Reach Out and Feed Philippines Inc.
Patuloy niya, “His visit to Tondo, where many children have parents who are incarcerated or make a living through scavenging, offered them a powerful example of hope and resilience. By connecting with the kids, Josh Cullen reminded them that, despite their current circumstances, they too have the potential to achieve their dreams with hard work and determination.”
Para sa kay Josh Cullen, very fulfilling ang naging experience niya sa “Season of Giving” campaign.
“Being involved in causes that reflect my values keeps my work authentic,” pag-amin niya.
Aniya pa, “This experience has shown me how even small collective efforts can lead to real, meaningful change. I’m grateful to be part of a campaign that not only provides support but also brings joy to the community.”