UNTI-UNTI nang nakaka-recover ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach mula sa trauma ng umano’y pang-aabuso sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA 7.
Ibinalita ng tatay ni Sandro na si Niño Muhlach na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang anak matapos ang kinasangkutan kontribersiya at iskandalo.
Napag-usapan ang tungkol sa buhay ngayon ni Sandro sa guesting ni Niño sa “Fast Talk with Boy Abunda” recently after ng kanyang mga pinagdaanan nitong mga nagdaang buwan.
“Noong una talaga Tito Boy, alam mo ‘yung mainitin ang ulo niya, hindi siya makalabas, nakasarado ang lahat ng bintana sa kuwarto niya,” ani Niño na mas naging close pa raw sa anak.
Patuloy pa rin daw ang pagsailalim sa therapy ng baguhang aktor, “I wanted him to get over it as soon as possible. So up to now he’s still going through therapy.
Baka Bet Mo: Jinggoy: Kawawa naman yung bata, pinag-drugs na, hinalay n’yo pa
“Mabuti nga ngayon, nakakalabas na siya, nakakanood ng sine, concert, dahil na rin sa suporta ng girlfriend niya si Shanelle (Agustin),” dugtong ni Niño.
Dagdag chika pa ng dating Child Wonder, “Kapag ‘yung pinag-uusapan namin ‘yung kaso with the lawyers naaapektuhan pa rin siya.”
Dumepensa rin si Niño sa mga basher na nag-aakusa kay Sandro na gawa-gawa lang niya ang mga kasong isinampa niya laban sa dalawang independent contractor na sina Jojo Nones at Dode Cruz.
“They can say whatever they want to say na kesyo gawa-gawa lang daw ni Sandro, kesyo pera lang daw ang habol ni Sandro. What’s the point? Bakit gagawin ng bata ‘yung ganu’ng kaso? Nagtatrabaho siya sa GMA, sa Sparkle. Kakalabanin niya? Eh ‘di mawawalan siya ng trabaho. What’s the point?”
“Tsaka sisirain niya ang pangalan ng Muhlach. There’s no point,” mariing sabi ni Niño.
Patuloy pa niya, “Kung pera naman, kahit hindi mag-artista si Sandro, kaya ko namang buhayin si Sandro. Sorry ha, hindi naman sa pagmamayabang.”
May pagkakataon din daw na hindi pa rin mapigilan ni Sandro na magbasa ng comments sa social media, “Ipinagbabawal sa kaniya ng doktor. Pero makulit ‘yung bata, minsan talagang hindi niya matiis eh. Kapag gabi nagbabasa.”
Tungkol naman sa pagpapatawad sa mga umano’y nang-abuso sa kanyang anak, “Diyos nga kayang magpatawad, tayo pa kaya na tao lang tayo. Pero puwede namang magpatwad, madali ‘yun.
“Pero kailangang lang pagbayaran ‘yung gianawa nila sa batas. Puwede namang nakakulong sila pero pinatawad ko sila eh,” aniya.