Janus del Prado bet ang ‘apology’ ni Anthony Jennings: ‘Di siya nagpa-victim
AMINADO si Janus del Prado na nagustuhan niya ang naging public apology ng kapwa-aktor na si Anthony Jennings kamakailan lang.
Pero nilinaw rin niya na hindi siya sang-ayon sa ginawang panloloko umano nito sa ex-girlfriend na si Maris Racal at on-screen partner na si Maris Racal.
“‘Yung mukha mo ‘nung iniwan ka niya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus ‘nung nagkabukingan na,” bungad ni Janus sa kanyang Threads post, kalakip ang screenshot ng photo ni Anthony ‘nung nagpahayag ng kanyang official statement.
“‘Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him,” sey ni Janus.
Baka Bet Mo: Jam Villanueva tagumpay sa pagwasak kina Maris at Anthony; milyones nawala
Paliwanag pa ng aktor, “I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba. ‘Di ginamit ‘yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na tao lang kagaya niyo’ at ‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto’.”
“In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa niya,” patuloy niya.
Aniya pa, “‘Di siya nagpa-victim to avoid accountability. Sana all.”
Magugunita noong December 6, nagkaroon ng magkahiwalay na official statement sina Maris at Anthony hinggil sa kinakaharap nilang kontrobersiya matapos kumalat ang screenshots na ibinandera ng ex-girlfriend ng huli na si Jam Villanueva.
Unang nagsalita ang aktres upang humingi ng tawad sa lahat ng saktan, ngunit nilinaw niya na hindi siya aware na mayroon pa ring relasyon ang aktor at si Jam.
Inamin din ng aktres na nagkamali siya at nahulog siya kay Anthony dahil na rin sa madalas nilang pagsasama sa trabaho.
Pagkatapos niyan ay nagkaroon din ng public apology ang aktor, lalo na sa dalawang babae na tumagal lamang ng 23 seconds.
Wala namang inilabas na paglilinaw si Anthony patungkol sa isyu at tila inaako nito nang buo ang kanyang nagawang pagkakamali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.