Anthony Jennings tinalakan ng netizens, sinayang ang ex-dyowa?
HINDI na napigilan ng mga netizens ang pagalitan at pagsabihan ang aktor na si Anthony Jennings matapos ang pasabog na rebelasyon ng kanyang ex-dyowa na si Jam Villanueva sa tunay na namagitan sa kanila ni Maris Racal.
Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ring pinag-uusapan ang aktor at ang ginawa nila umanong panloloko sa kanilang mga dating karelasyon.
Kung marami ang nagagalit sa mga mensaheng ipinadala ni Maris ay marami rin ang nagagalit kay Anthony dahil sa ginawa nitong pagsasayang ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.
Para sa mga hindi aware, tumagal rin ng 7 years ang relasyon nila na tuluyan nang nawala matapos mag-boom ang kanilang tambalan ni Maris sa series na “Can’t Buy Me Love”.
Baka Bet Mo: Maris Racal, Anthony Jennings magsasampa ng kaso laban kay Jam Villanueva?
View this post on Instagram
Marami sa mga netizens ang nasaktan para kay Jam matapos ang pasabog na paglalabas nito ng resibo o mga screenshots lalo na at labis ang pagpapakita nito ng pagsuporta at paggalang sa trabaho ni Anthony pati na rin sa naging love team nila ni Maris.
Sa latest Instagram post nga ng aktor ay dinumog ito ng mga madlang pipol at pinangaralan siya sa pagsasayang sa babaeng miahal at sinuportahan lamang siya.
“Sumikat ka lang. Iniwan mo na yung taong sumuporta sayong nung hindi ka pa kilala,” saad ng isa kay Anthony.
Comment pa ng isa, “Your ex was there when you were a nobody.”
Sabi pa ng isa kay Anthony, “u fumbled a supportive woman sa career mo?? tf???”
“how is comforting other women while having a girlfriend your responsibility??” sey pa ng isa.
Sa ngayon ay limitado na ang mga pwedeng mag-iwan ng komento sa kanyang mga post.
Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na ni Anthony ang hiwalayan nila ni Jam Villanueva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.