Rico Blanco damay sa Maris-Anthony issue, ginawan ng memes

Rico Blanco damay sa Maris-Anthony issue, ginawan ng memes

ANG nanahimik na si Rico Blanco na ex-boyfriend ni Maris Racal ay idinamay na ng netizens at ginawan ng memes sa pasabog ni Jam Villanueva na dating karelasyon ni Anthony Jennings.

Umabot sa pitong taon ang relasyon nina Anthony at Jam kaya maraming netizens ang nanghinayang dahil bakit pinakawalan ng aktor ang kanyang ex gayung ito ang kasama niya noong walang-wala pa siya.

Viral ang larawan ni Rico na seryosong nakatingin sa camera at nasa background niya ang kanyang desktop computer na ginagamit sa music production at nakalagay doon ang series of convo at mga larawan nina Maris at Anthony na inilabas n ani Jam imbes ang mga sinulat na kanta ng sikat na singer.

Ang ilang nabasa naming reaksyon ng netizens ay ang mga sumusunod:

Baka Bet Mo: Rico Blanco hinamong magsalita sa ‘pagtataksil’ daw ni Maris Racal

“Maigi na ‘yung hanggat di mo siya pinakasalan .nalaman mo ng maaga na di siya ang tama babae sa pagmamahal na iniukol mo . Mas masakit kung kelan kasal na kayo at may mga ansk don matutuklasan na hindi siya loyal sa inyo pag mamahalan . Mas lalo ka titibay dahil nasaktan ka. Ibibigay ni Lord tama babae ihaharap mo sa artar maa maganda pipili ka wala sa larangan ng industriya ninyo . Dahil mapababae lalake para mga damot lsng kung magpalit ng karelasyon . Ika nga siping muna bago kasal,” sey ng isang netizen kay Rico.

“Nagmahal ka lng ng totoo Sir ke bata o matanda nasa tao parin ang paggawa ng ikakabuti mo or hindi lahat tayu ay dumadaan sa tinatawag na pagsubok sa pagibig may saya at may sakit dahil pinaglaanan natin ng buhay ntin pagmamahal ,pagaalaga at respeto sa buhay natin walang binigay ang panginoon na pareho sa lahat ng gusto ntin laging may salungat gaya ng black to white yes to No laging contrass masakit yes sir pero may darating pang bagong bukas para sa iyu sir may darating na bagong maglilinawanag muli sa iyung buhay yes masakit tanggapin dahil taon ang lumipas sya naging buhay mo but di nya ito pinahalagahan pinakita lang sa iyu ni god na mas lalo kang maging matatag sa larangan ng pagibig na hindi sya para sa iyu time will come kusang maghihilom ang puso mo na sinugatan madaling sabihing move on pero unti unti pagdaan ng panahon ay LILIPAS DIN YAN AT YUN PANAHON NA YUN AY KAYA MO NG TUMAWA NA THANK YOU SA PAGDATING MO SA BUHAY KO NGYUN BAGONG BUHAY PARA SA SARILI MO GOD IS GOOD ALL THE TIME GODBLESS SIR RICO.”

“She’s not the right person for you…….”

“Buti ka pa sir Rico anlaki ng screen mo.”

“Additional promo for their movie!”

Marami pa kaming nabasang hindi na kailangang isulat pa dahil hindi rin naman makakatulong pa sa sugat na iniwan nina Maris at Anthony kina Rico Blanco at Jam Villanueva.

Anyway, topic din sa showbiz ang expose ni Jam dahil tiyak dawn a makakaapekto ito sa projects nina Maris at Anthony.

Si Anthony at Maris ay may upcoming online series kasama sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez at Daniel Padilla at magkasama rin sila sa pelikula ni Vice Ganda ngayong 50th Metro Manila Film Festival.

May nakita rin kaming post ng netizens na tinanggal nila ang mukha nina Maris at Anthony sa post ng pelikula ni Vice dahil baka raw madamay pa ang pelikula ni Meme.

Nakarating din sa amin na may nagagalit sa taga-production ng online series ni Anthony na dahil sa pag-amin niyang hiwalay na sila ni Jam ay hindi siguro ito maglalabas ng convo series nila.

“Nasaktan ‘yung tao (Jam), kasi napag-usapan na naman, e, nanahimik na siya kaya tinodo na niya para isahan na lang. Dati nag-pigil pa, eh. E, ngayon isang bagsakan na lang,” say ng aming source.

Dagdag pa, “okay na, eh, tahimik na biglang binuksan ni Tony, e, hayan. Major-major award ‘yan.”

Bale ba may gaganaping mediacon ang pelikula ni Vice Ganda isa sa mga araw na ito dadalo kaya sina Anthony at Maris?

“Naku, a-attend ‘yan pero pagbabawalan silang tanungin o magsalita, kita mo after the Q and A, hihilahin na sila paalis ng stage,” say ng ilang kasama sa trabaho.

Hirit ng isa pa, “puro denials sina Anthony at Maris, o, ngayon ano masasabi nila? Kaya pa rin nila kayang humarap sa media ng mata sa mata? O baka mata- mata acting method gagawin?”

Samantala, ang payo ng lalaking Marites na si Xian Gaza na isa rin sa mga nagpasabog na totoong may relasyon sina Anthony at Maris na hindi pa pinaniwalaan noon.

Aniya, “Ang lesson na mapupulot natin sa Maris Anthony issue: ‘Yang partner mo, kesyo lalaki pa yan o babae, nagchi-cheat din yan. Pramis. Ang kaibahan lang eh magaling siyang magtago at mabilis mag-delete ng mga convo kagaya ni Maris.

“Si Anthony hindi nagde-delete eh. Tine-treasure ata every moment.

Ayan tuloy. Huwag tularan si Anthony. Pagka-send na pagka-send ng message, delete dapat agad buong history.”

Read more...