Neri Miranda hindi na babalik sa kulungan, pinalalaya na ng korte

Neri Miranda hindi na babalik sa kulungan, pinalalaya na ng korte

HINDI na ibabalik sa Pasig City Jail Female Dormitory ang aktres at negosyanteng si Neri Miranda matapos manatili sa ospital sa loob nang ilang araw.

Ito’y matapos ipag-utos ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 na agad palayain ang asawa ng singer-songwriter na si Chito Miranda.

Ang naturang kautusan ay pirmado n  Pasay City RTC Branch 112 Presiding Judge Gina Bibat Palamos.

Baka Bet Mo: Neri Naig bakit nga ba kabilang sa Top 10 ‘Most Wanted Persons’?

Sa panayam ng GMA kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera natanggap nila ngayong araw ang court order.

“The BJMP received the court order issued today by RTC Branch] 112 ordering the release of Nerizza Miranda,” sabi ngopisyal.

Kagabi ay nasa ospital pa si Neri dahil sa ibinigay sa kanya ng korte na limang araw na medical furlough

Ibabalik dapat sa Pasay City Jail Female Dormitory ngayong araw, December 4, ang negosyante pero mukhang hindi na na nga ito mangyayari.

Ayon kay Bustanera, hindi na ibabalik sa kulungan si Neri at malamang ay sa ospital na lang aayusin ang mga kailangang dokumento para pansamantala na siyang makalabas ng kulungan.

Ang pagpapalaya kay Neri ay isang magandang balita para sa aktres at sa kanyang pamilya dahil nga hindi na siya magpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa kulungan.

Inaasahan na kasi na sa Pasay City Jail magha-holiday ang aktres dahil non-bailable ang kinahaharap niyang syndicated estafa case.

Nauna nang nag-post ng bail si Neri para sa kinahaharap na 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang P1.7 million last Saturday, November 30.

Nauna na nating ibinalita na mas pinaaga ang arraignment at pre-trial ni Neri base sa kautusan ng korte. Mula sa petsang January 9, 2025 ay ginawa itong December 11, 2024.

Read more...