NAPAAGA ang petsa ng arraignment at pre-trial para sa mga kasong kinasasangkutan ng aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda.
Sa halip na sa January 9, 2025, itinakda ng korte sa darating na December 11, 2024 ang pag-arraign sa misis ni Chito Miranda para sa mga kasong 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.
Originally, kahapon, December 3, sana mangyayari ang arraignment ni Neri sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112 pero hindi nga ito natuloy.
Base sa naglabasang report, wala pang inilalabas na komento ang piskal para sa motion to quash ng kampo ni Neri.
Kasunod nito, nagbigay ng 10-day extension ang korte at inilipat nga ang arraignment sa December 11. Dito inaasahang maglalabas ng kautusan kung mananatili si Neri sa kulungan o makakalaya na pansamantala.
Baka Bet Mo: Kampo ni Neri naghain ng ‘motion to quash’, arraignment inurong sa Enero
Dinala rin sa ospital si Neri matapos mag-issue ang korte ng limang araw na medical furlough at ngayong araw, December 4, nakatakdang ibalik sa Pasay City Jail Female Dormitory.
Nakapag-bail na si Neri ng mahigit P1.7 millio noong Sabado, November 30 para sa ilang kasong isinampa laban sa kanya pero hindi pa rin siya tuluyang makalaya dahil sa mga kasong syndicated estafa na non-bailable.
Samantala, iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa paglipat ng petsa para sa arraignment ni Neri. May mga natuwa sa balita pero meron ding kumontra at nagduda.
Narito ang nabasa naming comments sa YouTube post ng “Frontline Express”.
“Mukhang money is working. Nakapag hospital ng five days at na advance ang pre trial so makakalabas before xmas. Wais nga.”
“When money speaks, everyone listens, iba talaga pag may salapi namamanipula ang gulong ng hustisya.”
“Ang lakas talaga ni neri naig.”
“Iba talaga pag may pera, mapapawalang bisa ka agad2x! Galawang scammer nga!”
May isang netizen naman ang nagkomento ng, “Wow mautak ayw tlaga mag pasko at new year sa kulungan. Thx senator na connection. kawawang mga investors tnatawanan lang.”
Posibleng ang tinutukoy niyang “senator” ay si dating Sen. Kiko Pangilinan na uncle ng asawa ni Neri na si Chito. Lantarang nagpahayag ng suporta si Kiko kina Neri at Chito sa kanyang Facebook post.
Sabi ng asawa ni Sharon Cuneta sa kanyang FB status, “Narito kami handang tumulong, Chito.”
Nag-explain ang dating senador sa mga kaso ni Neri na may kaugnayan sa pagiging endorser niya ng isang beauty company.
“Ang product endorser ay isang talent at kung walang koneksyon o kinalaman sa ownership or management at operations nung kumpanya na involved sa iligal na operations ay hindi dapat managot sa nasabing iligal na gawain.
“Ako mismo ay saksi sa kabaitan ni Neri. Nabiktima din si Neri ng mga estafador at ang dapat habulin dito ay ang may ari at nagpapatakbo ng kumpanya.
“At dagdag pa, dahil walang natanggap na anumang mga notice sina Chito at Neri sa kaso, kwestyonable ang ligalidad ng warrant of arrest na dapat kwestyunin sa hukuman.
“Nawa’y ma-dismiss na ang kasong ito outright o di kaya maibalik sa piskalya for preliminary investigation at in the meantime ay ma-quash o ma- set aside ‘yung arrest warrant,” sabi pa ng dating senador.