WISH ng celebrity basketball player na si Kobe Paras na makasama ngayong Pasko at Bagong Taon ang kanyang pamilya at iba pang mahal sa buhay.
Ibinahagi ng binata ang kanyang mga plano ngayong holiday season, partikular na sa darating na Noche Buena at sa mismong araw ng Pasko.
Ayon kay Kobe, wishing and hoping siya na makasama ang kanyang mga magulang, pero kung hindi sila mabibigyan ng chance na magkaroon ng “reunion” baka raw si Kyline Alcantara ang makasama niya sa Christmas.
“I know they’re busy, my mom’s in Europe, my dad’s busy with his side of his family.
“So hopefully, makasama ko sila, but if not, I’ll be with Kyline and her family,” pahayag ni Kobe sa panayam ng GMA.
Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’
Chika pa ng cager sakaling sila ng Kapuso actress ang magkasama sa pagse-celebrate ng Pasko, “Sana kahit anong lutuin ni Ky makain ko.”
Pero ang sabi ni Kyline, hindi raw siya marunong magluto ngunit susubukan daw niyang mag-try ng ilang putahe para kay Kobe.
Ilang linggo na ang nakararaan ay kinumpirma ng basketball player sa isang interview na nasa dating stage na sila ngayon ni Kyline.
Pero naniniwala ang kanilang fans and supporters na matagal na silang magdyowa base sa mga naglalabasang litrato at video nila sa social media.
Sa isang panayam, natanong so Kobe kung kailan niya na-realize na crush niya si Kyline.
Sagot ng basketbolista, “Early this year?”
Kasunod nito, nabanggit din niya ang mga qualities ng isang babae na attractive para sa kanya, “Someone who is caring and respectful.”
Next question sa kanya “How do you feel about a girl who’s passionate about her career and hobbies?”
“It means everything to me. It’s actually insane that there’s women out there who focus on their career wholeheartedly and do well, and it’s really important for women to be by herself and you know, in her element and doing what she loves. It’s a turn on,” sagot ni Kobe na parang inilalarawan si Kyline.