Neri Miranda posibleng mag-Pasko sa kulungan

Neri Miranda posibleng mag-Pasko sa kulungan

Therese Arceo - November 30, 2024 - 04:13 PM

Neri Miranda posibleng mag-Pasko sa kulungan

MAY posibilidad na magdiwang ng Kapaskuhan ang dating aktres at businesswoman na si Neri Miranda sa Pasay City Jail Female Dormitory.

Ayon sa iilabas na ulat ng ABS-CBN News nitong Biyermes, November 29, naurong ang arraignment o pagbabasa ng sakdal para sa asawa ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa January 5, 2025 matapos maghain ng motion ang kanilang kampo na ibasura ang mga demanda laban sa kanya.

Matatandaang nahahrap ngayon sa kasong 14 counts of violation sa securities regulation code at syndicated estafa si Neri na hinuli ng pulisya noong nagdaang linggo habang nasa isang convention center.

Sabi naman ng spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si JSupt. Jayrex Bustinera, nasa court hearing na sana ang asawa ni Chito nitong Biyernes ngunit pinabalik siya sa female dormitory dahil sa inihaing motion ng kampo ng dating aktres-negosyante.

Baka Bet Mo: Neri Miranda ipinagdarasal ng netizens na makalabas na ng kulungan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, mayroon namang limang araw ang mg complainant para magbigay komento tungkol sa hiling ni Neri na ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Bukod pa rito, kinumpirma rin ni Atty. Roberto Labe na may isa pang aktres at ilang politiko ang posibleng madamay sa kaso na nag-endorso rin sa Dermacare, ang ini-endorse ng wais na misis na siyang naging dahilan kung bakit ito nakulong at nahaharap sa hindi magandang sitwasyon sa kasalukuyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending