Dom Guyot, Adie naglabas ng hugot song na ‘balik’: ‘A love song of longing’

Dom Guyot, Adie naglabas ng hugot song na ‘balik’: 'A love song of longing'

PHOTO: Courtesy of Radical Music Inc.

NAGSAMA at naglabas ng bagong single ang singer-songwriters na sina Dom Guyot at Adie!

Ito ang “balik” na bahagi ng paparating na sophomore album ni Dom.

Ang kanta ay isang R&B/Soul track na puno ng emosyon na naglalarawan ng pananabik ng isang taong nagmamahal, ngunit ang kanilang alaala ay nakakulong na lamang sa mga sandaling kanilang pinagsamahan.

Ang unang bahagi ng “balik” ay isinulat ni Dom na inihandog para sa pumanaw niyang lola.

“I actually wrote this song about my grandmother who passed away not too long ago,” sey ng singer sa isang pahayag.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Adie spotted na magkasamang nagsasaya sa Bruno Mars concert, hirit ng netizens: ‘Kayo na lang, please’

Kwento ni Dom, “I really have a soft spot for my Lola and I think a lot of Filipinos can relate to that as a lot of us were nurtured by our grandparents growing up. Losing her put me in so much grief.”

“I always wondered how come it was so easy for me to write about men I really didn’t care for but so hard to pen something for a woman who has given me the most love I have ever received in my life,” saad pa niya.

Dagdag niya, “Because grief is the only natural expression of my love persisting despite the obstacle of death, I was left with all this love I wanted to give but couldn’t.”

Ang huling bahagi ng kanta ay isinulat naman ni Adie na tungkol sa pagkawala ng minamahal sa buhay.


Samantala, aminado si Dom na matagal na siyang fan ni Adie, lalo na pagdating sa pagsusulat ng kanta.

“I have always been an admirer of Adie’s pen, and how particular and rare his writing perspective is. Adie has shown respect and admiration for my craft as well and we have spoken a lot of times about working on something in the studio,” wika niya.

Para sa mga may iniibig na nasa malayo, dating kasintahan na hindi makalimutan, o isang mahal sa buhay na namayapa na, ang “balik” ay isinulat upang ipahayag ang nananatiling pag-ibig.

Ang “balik” ay mapapakinggan na sa lahat ng streaming platforms.

Read more...