Francine, Seth grabe ang pinagdaanan bago nakapag-holding hands

Francine, Seth grabe ang pinagdaanan bago nakapag-holding hands

NANINIWALA ang mga fans at ilang members ng entertainment media na may “something” na sa pagitan ng magka-loveteam na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Super holding hands na nga ang dalawang Kapamilya stars sa ginanap grand mediacon ng kanilang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “My Future You” kahapon sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.

Mismong si Seth na ang nagsabi na may kinakapitan siya ngayon para sa “future” nila ni Francine, “Hindi na ako lalayo pero may isang pangako lang ako na dapat kong tuparin, ‘yung pangako ko sa magulang ni Francine.

“Alam naman po natin na hindi biro ang samahan namin. Hindi biro na bawiin ang tiwala ng mga magulang ni Francine.

“Hindi po biro ang pinagdaanan ko na makaabot ulit dito. Na nahahawakan ko ‘yung kamay ni Francine,” sey pa ni Seth na may conscious effort daw na patunayan sa magulang ni Francine na totoo lahat ng sinasabi niya.

Baka Bet Mo: Francine keber kung support lang kay Malou sa ‘Silay’: It’s an honor!

“’Yun na lang ang kailangan kong gawin para masabi ko na nandito na siya. So, anong kailangan ko? Lakas ng loob, paninindigan, tapang and respeto, pagmamahal.

“At ‘yun ang mga bagay na hindi mo makukuha ng isang araw, isang buwan. Kasi malaking pogi points kapag kakampi mo ang magulang, eh. Malaking pogi points kapag mahal ako ng magulang,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Francine hinay-hinay lang sila ni Seth at hindi naman kailangang magmadali, “Totoo po, kung nasaan kami ngayon, hindi po namin ‘yun minadali talaga.

“Kung pwede lang talaga, kung kaya naming ma-explain lahat ng napagdaanan po namin para makapag-holding hands kami.

“Ako, po grateful po ako na mayroon akong Seth sa buhay ko. Hindi po kasi biro ‘yung bigyan ka ng Diyos ng someone na matatawag mong best friend,” pagbabahagi pa ng dalaga na medyo naging emosyonal na.

Pagsalo sa kanya ni Seth, “Hindi talaga biro. Alam naman po natin ‘yan, lalo na nun’g mga nakaraan. Hindi po biro na makuha ang tiwala ng mga magulang ni Francine at ni Francine.

“Sobra ko pong ginalingan. Alam ko kulang pa, alam ko, meron pa ‘kong kayang magawa, alam ko na meron pa ‘kong kayang ibigay.

“Kapag tinatanong kami, ‘kayo na?’ hindi po biro guys, hindi po biro na maging kami agad,” paliwanag pa ni Seth na naniniwalang may tamang panahon para sa lahat.

Baka Bet Mo: Nadine mas matapang na ngayon, ayaw nang magkunwari: Hindi ako santa!

Masaya na raw sa ngayon si Seth sa paghatid at pagsundo kay Francine sa school na may blessing ng mga magulang ng aktres at hinding-hindi raw niya sisirain ang tiwala ng mga ito kahit anong mangyari.

Samantala, inamin ng FranSeth na hindi nila in-expect na mapapasama ang  romance-fantasy movie nilang “My Future You” bilang isa sa 10 official entries ng 50th MMFF mula sa Regal Entertainment na nagse-celebrate rin ng kanilang 60th anniversary this year.

Pakiusap nina Seth at Francine, bigyan naman daw sana ng chance ng manonood ang kanilang movie na idinirek ni Crisanto B. Aquino at showing na simula sa December 25.

“Hindi po (in-expect). Sa totoo lang po, hindi po. Hindi po dahil wala kaming believe sa sarili namin,” ani Seth.

“Actually po dapat din po iere na po kami mga September tapos hanggang sa na-move nang na-move, na-cancel nang na-cancel tapos biglang MMFF na pala siya, official entry na ng Regal Entertainment.

“So, kaya po namin sinasabi na hindi namin ini-expect or hindi namin nakikita ‘yun na makakapasok kami sa MMFF kasi nga po hindi sa amin sinabi noon na para pala sya ipasok ngayon, this year para sa Metro Manila filmfest.

“So ‘yun po, pero ngayon grabe halo-halo ang emosyon. Kabado, excited, lahat na po pero most of all, nagpapasalamat kami kasi nabigay sa amin,” pahayag naman ni Francine.

Read more...