MARAMI ang naiintriga sa recent social media post ng comedienne-actress na si Ai Ai delas Alas.
Ito ay matapos niyang ibandera sa Instagram Story ang isang quote patungkol sa isang “narcissist” at “partner.”
Ang nakasaad sa shinare ng komedyana: “The narcissist’s new supply may believe they’ve won your partner, but in reality they’ve only taken your problem.”
Wala paliwanag si Ai Ai, pero tila tinawanan ito ng aktres dahil may kalakip itong “HAHAHA” sticker.
Baka Bet Mo: Ai Ai ibinunton daw kina Carlos at Chloe ang galit kay Gerald Sibayan
Magugunita noong November 11 lamang nang kumpirmahin ni Ai Ai na naghiwalay sila ng mister na si Gerald Sibayan noong Oktubre.
Ibinunyag din ng aktres sa isang interview na nagpaplano sana silang magkaanak via In vitro Fertilization (IVF), pati na rin ang panloloko umano ni Gerald sa kanya.
“Oct. 14 nagchat siya t’as madaling araw dito sa Pilipinas. Sinabi niya na gusto na niyang magkaanak at ‘di na siya happy,” kwento ni Ai Ai.
Pag-amin niya, “Noong nagpakasal naman ako kay Gerald, nire-ready ko naman sarili ko sa ganitong magiging sitwasyon.”
“Alam kong bata pa si Gerald and pwedeng magbago ang isip. Pero alam mo ‘yun, sana huwag. Sana totoong may forever,” ani pa ng komedyana.
Matatandaan noong 2017 nang ikinasal sina Ai Ai at Gerald.
Nag-renew pa nga sila ng kanilang vows makalipas ang limang taon.