UMALMA ang ilang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa chikang posibleng itambal ang Box-Office Queen kay Joshua Garcia.
Lumutang kasi ang balitang after ng super successful reunion movie ng tambalang KathDen ay baka sa ibang leading man naman daw i-partner si Kath, at isa na nga raw diyan ang friend ng aktres na si Joshua.
Ito’y matapos ngang ibandera ni Joshua sa isang interview na pangarap niyang ma-experience na makatambal sa next project niya si Kathryn.
Baka Bet Mo: Joshua ‘wish’ makatrabaho si Kathryn: ‘Gusto ko sana drama na romantic’
Bandera IG
Inamin ni Joshua na matagal na niyang gustong makatrabaho ang kanyang “crush” na naging kaibigan na rin niya noon pang sila pa ni Daniel Padilla.
Kung matatandaan, noong naging housemate si Joshua sa “Pinoy Big Brother” ay ipinagsigawan pa niya sa buong mundo na crush niya si Kathryn.
Nakasama si Joshua sa pelikula nina Kath at DJ na “Barcelona: A Love Untold” na ipinalabas noong 2016 at wishing and hoping ang binata na mabigyan uli siya ng chance na maka-work si Kathryn.
May mga na-excite sa possible collab nina Kath at Joshua sa isang proyekto pero tila mas marami ang kumontra at nangnega.
Nabasa namin ang ilang comments ng netizen sa Instagram post ng ABS-CBN about this at karamihan nga ay ayaw pagtambalin sina Kath at Joshua lalo pa’t pinatunayan muli ng KathDen ang kanilang magic at powers sa tagumpay ng “Hello, Love, Again.”
In fairness, naagaw na uli nila mula kina Marian Rivera at Dingdong Dantes (para sa Rewind) ang titulong “highest-grossing Filipino movie of all time” at ang kauna-unahang Pinoy film na kumita ng P1 billion.
“Bagay sila sa horror movie bilang magkapatid. Nakaka miss n si kath gumawa ng horror. Galing nya kaya s shake rattle and roll nun. Ayaw ko sila magka work n love interest isat isa. Magkaibigan yan dalawang yan eh.”
“Amacana josh, okay na sila ni alden, iba na lang hihi.”
“Pls! Wag na wag! Hindi sila bagay na magdyowa. Magkapatid pwedeng pwede! Pak!”
“I really admire Joshua kasi after break up ng KN, mas sumiside ata siya kay Kath. Parang hindi na nga sila nagbobonding kay DJ. Pero since magaling naman si Joshua, why not diba?”
“Yes please They’re both amazing Panigurado another blockbuster.”
“KathJosh maybe.”
“Go Joshua and Kathryn!”