HANGGANG ngayon ay single na single pa rin ang Kapuso host-comedian na si Betong Sumaya kaya naman miss na miss na raw niya ang feeling na ma-in love.
“Single and ready to mingle” ang current status ng komedyante at medyo matagal-tagal na raw na panahon noong huli siyang magkaroon ng karelasyon.
Nag-guest si Betong sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” at isa sa mga naitanong sa kanya ay ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife.
Tanong ni Tito Boy sa kanya kung ano ba ang kanyang pakiramdam noong huli siyang umibig.
“Everyday, parang gusto mong gumising agad, makita agad siya. Kahit wala kang pera mangungutang ka para lang malibre mo,” sagot ni Betong.
Baka Bet Mo: Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!
“What an amazing feeling,” ang todo-ngiting sey pa ng “Bubble Gang” comedian.
Kasabay ni Betong na bumisita sa “Fast Talk” ang co-star niya sa “Bubble Gang” na si Chariz Solomon, at tinanong naman siya nito kung na-miss niya ang huli niyang naging dyowa.
“Siyempre naman! Ano ‘ko, walang pakiramdam?” ang birong sagot ni Betong.
Sundot na tanong sa kanya ni Tito Boy, ano nga ba ang real status ng kanyang buhay-pag-ibig, “Single and ready to mingle!
“If ever na magkaproblema ka, I’m just a text away,” hirit pang chika ni Betong sa kanyang future partner.
Pinayuhan naman ni Chariz si Betong tungkol sa pakikipagrelasyon, “Sabi ko lang lagi sa kaniya, you love yourself first bago ang iba.
“Kasi mahirap magmahal ng ibang tao kapag hindi mo na minahal ‘yung sarili mo.
“Lagi kang magtitira para sa sarili mo, ano man ‘yan, material things or non-material things, tangible and intangible,” ang advice ni Chariz sa kaibigan.
Dagdag pa niya, “Kasi ‘yan ang biggest mistake ko dati, na nakalimutan kong mahalin ang sarili ko.
“Muntik akong mategi. Ayaw nating mategi muna, kasi marami tayong minamahal na gusto pa nating makasama,” sey pa ng Kapuso comedienne.
Sey naman ni Tito Boy, super lucky ng taong next na mamahalin at magiging dyowa ni Betong.
Ang hirit naman ng komedyante, “Please text me. Please text me, padadalahan pa kita ng unli text.”